Wala lang.. Medyo nagddrama nga ng kaunti. :)) Kasi parang may narerealized ako sa sarili ko ngayon lang. At di ko alam kung anung nagparealize saken nun. But anyway, salamat sa kanya kung sino man sya or kung anu man sya. :)
Narealized ko lang kasi, yung ako ngayon, parang hindi naman ito yung talagang ako. I mean, yung halos nakikipagsabayan sa mga bagay bagay. Nadala lang ako ng mga nakikita ko sa tumblr at kung saan saan pa. Pero, narealized ko, di naman ako sumasaya dun.
May ilang kaartehan ang bawat babae pero normal samen yun. Like, wearing the best dresses, maglagay ng make-up, nail polish, magpapayat to feel good and many many more. Narealize ko kasi, siguro, my limitations had something to do with what I am now. Parang, pinatikim lang nia saken what it feels like, and now, it doesn't make any sense. Ewan ko. Parang hindi ako comportable sa ginagawa ko like wearing the best. Sobra. Narealize ko, mas gusto ko talaga ang shirt. Sobrang comportable ako sa shirt and shorts. Pero super love ko talaga ang dress pero parang gusto ko lang sila ipunin at suotin pag kinakailangan.
I had a boyfriend and I would admit na I really try hard para maging the best. But somehow, nakakapagod rin pala. Naisip ko kasi dati, minsan na nga lang kami magkita, di pa ba ko magsusuot or magmumukhang super ayos? Eh, ewan ko. Parang nawirduhan lang ako sa sarili ko na ayoko na sa notion na yun. Parang nacocornihan na ko. Hahaha. :D Parang ngayon, gusto ko na ang shirt and pants/shorts. Di ko alam kung may kinalaman ang period ko sa bagay na to pero I guess if it did, it still has something to do with my character [Naks! kumacharacter pang nalalaman! :))] Haha! Eh kasi, parang dati, nung medyo naexplore ko ang outside world, naalala ko ang wirdo kong outfit - shorts and jeans. As in pantalon talaga. Di ako lumalabas ng bahay na hindi yun yung suot ko. Tas parang nag-improve? Or I was influenced by my playmates? Ayun, nagdadamit pangbabae na rin ako ilang weeks after. :))
Oh well, sa dami ko na namang kwento, nawala na naman ang main point ng storya ko. :)) Lagi na lang ganito. :)) Kairita. :))
Basta ganun. I'll try my best para malaman kung anu ba talaga gusto ko at sana, di na ko maapektuhan sa sinasabi ng iba. Medyo naoovercome ko na to, I guess. Salamat sa mga taong baka nakakatulong saken or nagparealized saken nun. :)
I miss my girlfriends! I miss my boyfriend! I miss UST! :(( Lungkot.
No comments:
Post a Comment