IBA. :))
Gising na gising naman bigla ang diwa ko ngayon. haha :D at nakakatuwang isipin na naisipan ko na rin magblog.
May mga times pala na ganun talaga. Kahit puno ang utak ko, I mean, ang dami kong napapansin na gusto kong sabihin or ikwento sa kahit anung paraan, may time talaga na tinatamad ako or should I say na WALA LANG TALAGA 'KO SA MOOD MAGBLOG/MAGKWENTO? :) Anyways, kahit anu pa mang dahilan, bahala na sya. :))
Medyo ginaganahan pa 'ko mag-aral ngayon oh. :)) 'Di ko alam kung bakit :))
Hay. Grabe ang araw ngayon. Buti na lang, natatanggap ko na sya na GANUN TALAGA. Like kanina, dahil nga puyat ako at medyo stressed, wow! pagkagising ko ng 4 to 5am para tapusin yung report ko, maya maya, hinika na 'ko. Ayoko man magpuff dahil ako talaga yung tipo na kapag kaya ko pa talaga, titiisin ko. Eh may reporting at baka kung anu pa mang mangyari sa'ken or kung anuman, yun, nagpuff ako at laking ginhawa. :) Thank You, Lord. :)
#1. Narealized ko lang kasi na tulad nga nung nabanggit ko kanina, parang, dapat kasi, tinatanggap naten kung anumang meron at kung anumang mangyayari sa'ten sa isang araw. Kasi 'di ba, paminsan, tulad ko, sa gabi, bago ko matulog, medyo nagmumuni muni ako [kung may oras pa, I mean, kung di ko pa kelangan matulog. :) ] kung kamusta naman ba yung araw ko. Paminsan, masaya. At paminsan, pinipilit maging masaya. haha :D in a way na parang, nagiging SOBRANG POSITIVE ka na mag-isip para umayos ang mga bagay-bagay and para umayos din ang aking pakiramdam bago man lang matulog/magpahinga.
- Narealized ko na hindi naten kelangan piliting sabihin na "Masaya 'tong araw na 'to" or like "Makabuluhan ang araw na 'to/ May mga magandang nangyari" kasi paminsan, wala naman talaga. Or kung meron man, sobrang liit at siguro sa pagiging medyo walang pakialam naten ay hindi na naten sya napapansin or pinagtutuunan pa ng pansin. Mga maliliit na bagay. Ganun. Kasi, the mere fact na hihiga ka ulit sa kama mu at matutulog ka ulit, na nafeel mung buhay ka nung araw na 'yun ay para sa'ken, pwede na. :) Hindi na kelangan pagpilitin na sumaya ka or what pero at least, nafeel mung buhay ka. :) At, syempre, dapat magpasalamat ka kay GOD about dun. :) Lagi. :)
* Ang sarap ng feeling na naililipat ko na ang mga naiisip ko para onti na lang ang iisipin ko at sana, dumaitng sa point na wala na, or hindi na ganoong dapat pagtuunan pa ng pansin. :)
#2. Oo. Sinasadya ko HALOS bawat galaw ko. Lalu na pag alam mung distinct ang kilos kong yung like being MEAN. :)) Actually, kung iisipin kong mabuti, hindi naman talaga ako nagiging mean. Ginagawa ko lang ang mga dapat kong gawin at sinasabi ang mga dapat sabihin at dapat nilang malaman. Sa iilang mga tao, oo, ayoko sa iniu. Narealized ko lang kanina na ayoko talaga at nahihirapan akong maging plastic sa iniu, hangga't maaari. Hindi ako yung tipong sinsabi 'to dahil gusto kong maganda ang image ko sa mga tao dahil hindi ko naman masyadong pinapakelaman kung anung maging tingin nila sa'ken eh. Bahala sila. :)) Ang akin lang, nahihirapan talaga ko kasi ayokong may nasasabi ako about sa'yo na hindi naman sobrang sama pero yung mga medyo napapansin ko lang pero nakikipagngitian ako sa'yo 'di ba. Ewan ko. Alam ko weirdo ako. HAHAHA :)) Basta, nahihirapan ako.
Dalawang IKAW na medyo mahirap pang iwasan sa ngayon dahil sa ilang mga sitwasyon. Tulad na lang ng may mga bagay kasi na may kauganayan tayo sa isa't isa at wala kasi akong choice. Wala akong choice.
UNANG IKAW na sana marealized mu na SELFISH ka. Akala ko, ako lang ang nakakapansin pero hindi eh, may iilan din pala. Sa totoo lang, AYAW TALAGA KITANG MAGING KAIBIGAN kase napatunayan ko na SA ORAS NG PANGANGAILANGAN, 'DI KITA MAAASAHAN. Oh well, ikaw nagpakita sa'ken nian kaya ko yan nasabe. Based on experience, kumbaga. 'Di mo ko pwedeng sumbatan or sabihan na wala akong karapatan or what kasi SOBRANG SINUBUKAN KONG MAGING OKAY TAYO, pero kung hindi, hindi talaga. Wag na naten pilitin. :) Masaya na kasi ako na hindi ka kasali sa mga tinuturing kong kaibigan.
Narealized ko pa na kaya siguro plinano tayo ni GOD ng ganito para malaman ko kung anu anung mga klase ng tao meron dito sa mundo. :)) Dahil hindi ako ganun karunong tumingin. Madali akong natutuwa sa tao lalu na pag okay naman kami at hindi naman kasi ako ganung sobrang tumitingin agad sa negative attitudes eh. Hihintayin ko lang or pag nataon lang talaga na may nagawa sya sa'ken na hindi ko talaga nagustuhan.
ISA KA PA. Ewan ko pero 'di ko kasi matanggap na 'di mu man lang ako binigyan ng option/choice. I mean, yung iba, tinanong mu, 'pag dating sa'ken, ikaw nagdecide mag-isa. Eh sa nahihiya naman ako sa'yo 'di ba, kahit wala, pinilit kong magkaron. At ayun, resulta, medyo sabaw ang araw ko dahil sa pangyayaring 'yun at hindi ko masyadong na-enjoy ang araw dahil wala na 'ko.
- I know, magulo sya. Ayokong maging specific eh. Gusto ko, nagiging mysterious itong tao 'to tas huhulaan ng kung sinumang magbabasa nito, tas wala lang. :)) Natutuwa lang ako sa ganitong way na pagdescribe. Kumbaga, kanya kanyang trip lang yan. :) Walang pakelamanan. :))
AT IKAW NAMAN. Buti na lang, may mga kaibigan din akong tulad mu kaya hindi ko mageneralized na ang mga katulad niu ay ganyan pala ang ugali. Actually, sobrang IBA ka eh. Tipong, okay naman sa umpisa pero hangga't di ka nila nakikilala ng mabuti, di nila talaga malalaman kung sino ka. Mukha ka kasing mabait. Siguro nga mabait ka, pero may mga tao kang pinagpipilian kung kanino magiging mabait ay kung kanino ipapakita ang attitude. Or hindi mu sinasadya pero naipapakita mu sya sa'men ng hindi mu napapansin? Nakakatawa lang kasi isipin na parang ang imposible pag di pa yun alam ng iba. HAHA :D grabe naman ang pagkawalang-pakialam nila pag ganun. Pero, may mga naririnig na rin kasi akong negative comments sa'yo so sa malamang sa malamang, nakikita din nila, nung iba.
#3. Dahil kelangan may gawin akong paraan. Ewan ko pero, basta! Saka na lang kita ieexplain ng mabuti pag naformulate ko na ng medyo maayos. :)) Naks! naformulate! Daming alam! :)) Seri. :))
#4. Medyo naiilang na 'ko gumalaw. Pero bahala sila. HAHAHAHA. :D Kung kahit kanino mang dahilan or kung maniniwala man sila sa kung sinuman, eh di okay. :)) maniwala sila. Bahala talaga sila. :)) Bat ko pa sinabe? :)) Wala lang, nilalabas ko lang :)) [Okay. Weird moment again and again. :)) Kinakausap at binabara ang sarili. :)) IBA. :))]
Aral muna ko, habang andyan si GANA. :D
goodnight sa mga tao.
No comments:
Post a Comment