Monday, March 11, 2013
Sunday, July 24, 2011
It Wasn't Me.
Okay, madramang title. :)) Kainis. :))
Wala lang.. Medyo nagddrama nga ng kaunti. :)) Kasi parang may narerealized ako sa sarili ko ngayon lang. At di ko alam kung anung nagparealize saken nun. But anyway, salamat sa kanya kung sino man sya or kung anu man sya. :)
Narealized ko lang kasi, yung ako ngayon, parang hindi naman ito yung talagang ako. I mean, yung halos nakikipagsabayan sa mga bagay bagay. Nadala lang ako ng mga nakikita ko sa tumblr at kung saan saan pa. Pero, narealized ko, di naman ako sumasaya dun.
May ilang kaartehan ang bawat babae pero normal samen yun. Like, wearing the best dresses, maglagay ng make-up, nail polish, magpapayat to feel good and many many more. Narealize ko kasi, siguro, my limitations had something to do with what I am now. Parang, pinatikim lang nia saken what it feels like, and now, it doesn't make any sense. Ewan ko. Parang hindi ako comportable sa ginagawa ko like wearing the best. Sobra. Narealize ko, mas gusto ko talaga ang shirt. Sobrang comportable ako sa shirt and shorts. Pero super love ko talaga ang dress pero parang gusto ko lang sila ipunin at suotin pag kinakailangan.
I had a boyfriend and I would admit na I really try hard para maging the best. But somehow, nakakapagod rin pala. Naisip ko kasi dati, minsan na nga lang kami magkita, di pa ba ko magsusuot or magmumukhang super ayos? Eh, ewan ko. Parang nawirduhan lang ako sa sarili ko na ayoko na sa notion na yun. Parang nacocornihan na ko. Hahaha. :D Parang ngayon, gusto ko na ang shirt and pants/shorts. Di ko alam kung may kinalaman ang period ko sa bagay na to pero I guess if it did, it still has something to do with my character [Naks! kumacharacter pang nalalaman! :))] Haha! Eh kasi, parang dati, nung medyo naexplore ko ang outside world, naalala ko ang wirdo kong outfit - shorts and jeans. As in pantalon talaga. Di ako lumalabas ng bahay na hindi yun yung suot ko. Tas parang nag-improve? Or I was influenced by my playmates? Ayun, nagdadamit pangbabae na rin ako ilang weeks after. :))
Oh well, sa dami ko na namang kwento, nawala na naman ang main point ng storya ko. :)) Lagi na lang ganito. :)) Kairita. :))
Basta ganun. I'll try my best para malaman kung anu ba talaga gusto ko at sana, di na ko maapektuhan sa sinasabi ng iba. Medyo naoovercome ko na to, I guess. Salamat sa mga taong baka nakakatulong saken or nagparealized saken nun. :)
I miss my girlfriends! I miss my boyfriend! I miss UST! :(( Lungkot.
Thursday, July 21, 2011
Senyales ng pagdating nia ngayong buwan.
Okay, sobrang namiss ko magblog dito :(( As in! Parang bigla kong naisip ngayon na ilipat ko kaya yung iba kong blogs dito.. as in copy paste? :)) Okay, sorry, medyo may topak lang. :))
So ayun na nga. Feeling ko parating na sya kasi nafifeel ko na ang mga senyales na ito:
- iritable kahit medyo wala namang dapat ikairita :))
- sobrang sweet? :)) lalu na kay Kokong :))
- kaen ng kaen.
- SOBRANG TAMAD.
- insomnia.
- OC? :))
Okay. Wala na ko maisip. Basta, ang naiisip ko lang ay gusto ko ng bumalik dito? :(( Sobrang namimiss ko na to! Parang iba pa din talaga pag dito ko ng blog! :)) Iba yung feeling eh :)) Kairita :))
Saturday, March 19, 2011
Wednesday, February 23, 2011
Just finished being an "ate".
And I guess, I somehow made it na. :D Kasi, being an ate, is hard for me. Ako pa. Parang napakadisiplinado ko kasing ate at alam kong nasa lugar naman lahat ng pagdidisiplina ko at lalabas lang ang pagiging ganun ko pag kelangan. Ayoko lang kasing lumaki sila ng makasanayan nila yung ganung ugali na baka maging problema din nila mismo in the future. Ayoko nun. Baka mahirapan silang makahanap ng mga kaibigan dahil sa ganung ugali. So I believe na mabuti ng ngayon pa lang, pinapolish na ang kanilang attitudes.
- Eto ang isa sa mga GREATEST ROLE ko sa mundo. MAGING "ATE".
Tuesday, February 22, 2011
Summation of thoughts.
'Di ko alam pero sobrang bukas ng utak ko ngayon thinking na halos 3 hours lang ang tulog ko kagabi dahil anung time na 'ko nakauwi at anung time na rin ako nakagawa at nakapag-aral ng report tas antok na antok na 'ko kanina nung nasa skul.
IBA. :))
Gising na gising naman bigla ang diwa ko ngayon. haha :D at nakakatuwang isipin na naisipan ko na rin magblog.
May mga times pala na ganun talaga. Kahit puno ang utak ko, I mean, ang dami kong napapansin na gusto kong sabihin or ikwento sa kahit anung paraan, may time talaga na tinatamad ako or should I say na WALA LANG TALAGA 'KO SA MOOD MAGBLOG/MAGKWENTO? :) Anyways, kahit anu pa mang dahilan, bahala na sya. :))
Medyo ginaganahan pa 'ko mag-aral ngayon oh. :)) 'Di ko alam kung bakit :))
Hay. Grabe ang araw ngayon. Buti na lang, natatanggap ko na sya na GANUN TALAGA. Like kanina, dahil nga puyat ako at medyo stressed, wow! pagkagising ko ng 4 to 5am para tapusin yung report ko, maya maya, hinika na 'ko. Ayoko man magpuff dahil ako talaga yung tipo na kapag kaya ko pa talaga, titiisin ko. Eh may reporting at baka kung anu pa mang mangyari sa'ken or kung anuman, yun, nagpuff ako at laking ginhawa. :) Thank You, Lord. :)
#1. Narealized ko lang kasi na tulad nga nung nabanggit ko kanina, parang, dapat kasi, tinatanggap naten kung anumang meron at kung anumang mangyayari sa'ten sa isang araw. Kasi 'di ba, paminsan, tulad ko, sa gabi, bago ko matulog, medyo nagmumuni muni ako [kung may oras pa, I mean, kung di ko pa kelangan matulog. :) ] kung kamusta naman ba yung araw ko. Paminsan, masaya. At paminsan, pinipilit maging masaya. haha :D in a way na parang, nagiging SOBRANG POSITIVE ka na mag-isip para umayos ang mga bagay-bagay and para umayos din ang aking pakiramdam bago man lang matulog/magpahinga.
- Narealized ko na hindi naten kelangan piliting sabihin na "Masaya 'tong araw na 'to" or like "Makabuluhan ang araw na 'to/ May mga magandang nangyari" kasi paminsan, wala naman talaga. Or kung meron man, sobrang liit at siguro sa pagiging medyo walang pakialam naten ay hindi na naten sya napapansin or pinagtutuunan pa ng pansin. Mga maliliit na bagay. Ganun. Kasi, the mere fact na hihiga ka ulit sa kama mu at matutulog ka ulit, na nafeel mung buhay ka nung araw na 'yun ay para sa'ken, pwede na. :) Hindi na kelangan pagpilitin na sumaya ka or what pero at least, nafeel mung buhay ka. :) At, syempre, dapat magpasalamat ka kay GOD about dun. :) Lagi. :)
* Ang sarap ng feeling na naililipat ko na ang mga naiisip ko para onti na lang ang iisipin ko at sana, dumaitng sa point na wala na, or hindi na ganoong dapat pagtuunan pa ng pansin. :)
#2. Oo. Sinasadya ko HALOS bawat galaw ko. Lalu na pag alam mung distinct ang kilos kong yung like being MEAN. :)) Actually, kung iisipin kong mabuti, hindi naman talaga ako nagiging mean. Ginagawa ko lang ang mga dapat kong gawin at sinasabi ang mga dapat sabihin at dapat nilang malaman. Sa iilang mga tao, oo, ayoko sa iniu. Narealized ko lang kanina na ayoko talaga at nahihirapan akong maging plastic sa iniu, hangga't maaari. Hindi ako yung tipong sinsabi 'to dahil gusto kong maganda ang image ko sa mga tao dahil hindi ko naman masyadong pinapakelaman kung anung maging tingin nila sa'ken eh. Bahala sila. :)) Ang akin lang, nahihirapan talaga ko kasi ayokong may nasasabi ako about sa'yo na hindi naman sobrang sama pero yung mga medyo napapansin ko lang pero nakikipagngitian ako sa'yo 'di ba. Ewan ko. Alam ko weirdo ako. HAHAHA :)) Basta, nahihirapan ako.
Dalawang IKAW na medyo mahirap pang iwasan sa ngayon dahil sa ilang mga sitwasyon. Tulad na lang ng may mga bagay kasi na may kauganayan tayo sa isa't isa at wala kasi akong choice. Wala akong choice.
UNANG IKAW na sana marealized mu na SELFISH ka. Akala ko, ako lang ang nakakapansin pero hindi eh, may iilan din pala. Sa totoo lang, AYAW TALAGA KITANG MAGING KAIBIGAN kase napatunayan ko na SA ORAS NG PANGANGAILANGAN, 'DI KITA MAAASAHAN. Oh well, ikaw nagpakita sa'ken nian kaya ko yan nasabe. Based on experience, kumbaga. 'Di mo ko pwedeng sumbatan or sabihan na wala akong karapatan or what kasi SOBRANG SINUBUKAN KONG MAGING OKAY TAYO, pero kung hindi, hindi talaga. Wag na naten pilitin. :) Masaya na kasi ako na hindi ka kasali sa mga tinuturing kong kaibigan.
Narealized ko pa na kaya siguro plinano tayo ni GOD ng ganito para malaman ko kung anu anung mga klase ng tao meron dito sa mundo. :)) Dahil hindi ako ganun karunong tumingin. Madali akong natutuwa sa tao lalu na pag okay naman kami at hindi naman kasi ako ganung sobrang tumitingin agad sa negative attitudes eh. Hihintayin ko lang or pag nataon lang talaga na may nagawa sya sa'ken na hindi ko talaga nagustuhan.
ISA KA PA. Ewan ko pero 'di ko kasi matanggap na 'di mu man lang ako binigyan ng option/choice. I mean, yung iba, tinanong mu, 'pag dating sa'ken, ikaw nagdecide mag-isa. Eh sa nahihiya naman ako sa'yo 'di ba, kahit wala, pinilit kong magkaron. At ayun, resulta, medyo sabaw ang araw ko dahil sa pangyayaring 'yun at hindi ko masyadong na-enjoy ang araw dahil wala na 'ko.
- I know, magulo sya. Ayokong maging specific eh. Gusto ko, nagiging mysterious itong tao 'to tas huhulaan ng kung sinumang magbabasa nito, tas wala lang. :)) Natutuwa lang ako sa ganitong way na pagdescribe. Kumbaga, kanya kanyang trip lang yan. :) Walang pakelamanan. :))
AT IKAW NAMAN. Buti na lang, may mga kaibigan din akong tulad mu kaya hindi ko mageneralized na ang mga katulad niu ay ganyan pala ang ugali. Actually, sobrang IBA ka eh. Tipong, okay naman sa umpisa pero hangga't di ka nila nakikilala ng mabuti, di nila talaga malalaman kung sino ka. Mukha ka kasing mabait. Siguro nga mabait ka, pero may mga tao kang pinagpipilian kung kanino magiging mabait ay kung kanino ipapakita ang attitude. Or hindi mu sinasadya pero naipapakita mu sya sa'men ng hindi mu napapansin? Nakakatawa lang kasi isipin na parang ang imposible pag di pa yun alam ng iba. HAHA :D grabe naman ang pagkawalang-pakialam nila pag ganun. Pero, may mga naririnig na rin kasi akong negative comments sa'yo so sa malamang sa malamang, nakikita din nila, nung iba.
#3. Dahil kelangan may gawin akong paraan. Ewan ko pero, basta! Saka na lang kita ieexplain ng mabuti pag naformulate ko na ng medyo maayos. :)) Naks! naformulate! Daming alam! :)) Seri. :))
#4. Medyo naiilang na 'ko gumalaw. Pero bahala sila. HAHAHAHA. :D Kung kahit kanino mang dahilan or kung maniniwala man sila sa kung sinuman, eh di okay. :)) maniwala sila. Bahala talaga sila. :)) Bat ko pa sinabe? :)) Wala lang, nilalabas ko lang :)) [Okay. Weird moment again and again. :)) Kinakausap at binabara ang sarili. :)) IBA. :))]
Aral muna ko, habang andyan si GANA. :D
goodnight sa mga tao.
Tuesday, February 15, 2011
Ewan ko ba.
Bakit kaya parang kakaiba ang linggong 'to? Sablay sablay ang mga pangyayari, sobrang negative ako ngayong linggong 'to. Kung anu anung naiisip na hindi naman dapat isipin at kung anu anung nangyayari na di ko inexpect na parang mauulit pa.
DISASTER is the right term.
Tapos parang pag nanghihina na ko, pag parang nawawala na ko sa mundo ang gusto ko ng takasan at tapusin ang kung anu mang problema or pangyayari, natutuwa lang ako malaman na meron akong taong malalapitan. :) Naks! Naiirita ko sa mga naiisip kong salita na tinatayp ko na lang basta. :)) Nakakairita kasi para kong makata na nagEEMO na ewan :)) HAHAHAHA
At eto na, sya na. SYA NA NGA. :)) SYA NA NGA ANG TINUTUKOY KONG TAO. :)) HOW I WISH NA TAO NGA TALAGA SYA. :)) Dahil naniniwala akong isa syang GARAPATA NA MASARAP TIRISIN!!! :)) Salamat sa'yo Kokong! :) Na sa isang higa ko lang sa balikat mu at sa chest mu at guluhin ko lang ng onti ang buhay mu tas para kang naasar na hindi naman, sumasaya na 'ko. :) I love you so much dota boy! :))
Ang ganda ng itsura namin sa larawan. :)) Actually, yan ang natural naming itsura. :))
At sabaw na sabaw na talaga ko dahil ilang gabi na kong di nakakatulog na maayos at pinipili kong wag matulog ng maayos. :)) I mean, pwede naman kasing matulog na di ba pero kung anu anu pa rin ginagawa ko at inuuna ko pang gawin ang NAPAKAIMPORTANTEng mga bagay tulad ng PAGBBLOG. :)) SAYA!! :))
Okay. Bukas, panibagong araw. Sana, bago na nga talaga. :) At kahit anu pa man yan, magkikita naman kami ulit ni Bakoks bukas eh so WORRY-FREE ako. :) May magbubuo ng araw ko kahit na may sisira man nito. :)) [nakakairita! :)) ang cheesy! :))]
Okay. Tama na ang blog dahil ang kati ng tenga ko. :)) Koneksyon? Wala. :)) Pero magkakaron din yan. :))
Goodnight mundo! :)
Subscribe to:
Posts (Atom)