Ayurn. Gusto ko lang kasi magblog about sa topic na 'to though medyo matagal ko na syang naiisip. At hindi ko sya maiblog blog kasi naman, pag nasa harap na 'ko ng computer, hindi ko na sya naiisip. Naiisip ko na lang ulit, pag nakakakita ako ng mga ganung tao.
Para kasi sa'ken, HINDI MO MALALAMAN ANG TUNAY NA UGALI NG ISANG TAO HANGGA'T HINDI MO SYA NAKAKASAMA NG MATAGAL-TAGAL. So true! :) HAHA
Eh kasi naman, wait.
Naiihi na 'ko. HAHAHAHA
Pero nasa comp shop ako at panu na 'yan. :))
Mamaya na nga lang. HAHAHAHAHA
Seri :))
Oh eto na. :)) Ayurn. May mga tao kasing sa unang tingin, or sa unang kilala, mukhang okay. Hmm, parang mali yung term ko na may mga tao? Dapat yata, halos lahat ng tao eh? HAHA. :D Wateber! Basta 'yun na yun! :))
Ayun. May mga tao kasing hindi mo inaasahan na ganun. Hindi naman sa sinasabi mong masama sya or ang pangit ng ugali nia pero panu kung yun talaga yung nangingibabaw? I mean, twing nakakasama mu sya, parang yung negative na halos lahat ang nakikita mu pero hindi dahil gusto mong mag-isip ng negative pero dahil yun yung pinapakita nia.
At yun nga talaga. :))
Paminsan, wala ka ng palag. HAHA. :D [Wala lang. Natawa lang ako sa palag. :)) Parang nagkkwento lang ako sa totoong tao eh. HAHAHAHAHA :D Seri, ang weirdo ko na naman :))]
Ayun. Wala ka talagang palag pag sya na yung nagsalita sa ibang tao. Panu ka papalag? Eh di mu naman maipagtatanggol yung side mu dahil sila ang nag-uusap di ba? HAHAHA. Eh di ka naman kasali sa usapan eh. :)) Ikaw lang yung pinag-uusapan. :))
Hindi mu alam kung anung sinasabi nia sa mga tinuturing niang kakampi. Pero para sa'ken, kahit anu pa man yun, depende yun sa sinasabihan kung makikinig lang sya sa side mu. Oh well, kung ganun sya, bagay kayong maging magkakampi. YOU AND YOUR FRIEND AGAINST THE WORLD? :)) Naks! Ang drama! :)) Okay. 'Di magsama kayo. HAHAHAHA :D Walang pumipigil :))
At ayun na nga. Mahirap lang kasi pag hindi mu napagtatanggol ang side mu lalu pa't alam mung hindi naman kasi totoo yun or kung may part man na totoo, syempre, sya yung nagkkwento, bida sya. :D I mean, hindi mu naman kasi alam kung anung ikkuwento nia diba? Swerte kung isama kang niang bida, sidekick kumbaga. Eh what if kontrabida? HAHAHA :D Tas yung tipong sa telenobela na yun, pipe ka pa? HAHAHA :)) Kawawa ka naman. :)) Nagkaalaman na sila ng mga opinyon pero ikaw? Hindi man lang nia narinig ang side mu. :)) Wala ka talagang laban. :))
Pero bahala sila. HAHA. :D Bawat tao ang bahala sa kung saan sya maniniwala. Oo, sabihin naten na hindi nagugustuhan ng mga tao ang ugali mu, I mean, may mga ugali kang hindi nila gusto. Pero, ang tanong, sila ba kasi ang standard mu? At kelangan mu bang magbago para lang sa kanila? Samantalang, maraming tao ang nagmamahal sa'yo dahil ganyan ka? HAHA. :D Patawa. :)) Isa lang sya or ilan lang sila. Pero kahit napakadami pa nila, wala yan. :)) May mga tao namang naniniwala sa'yo at yung thought na yun lang, AYOS NA. Hindi mu kailangan ang mga taong ayaw sa'yo dahil kung hindi papapangitin lang nila ang magandang araw mu. :D Walang sense na pansinin sila. :D Tutal, hindi lang naman sila ang tao sa mundo. MARAMI PA. At kung mapag-alaman natin na ikaw nga talaga ang problema, TALO NA KAYO NG/MGA FRIEND MO. :)) Kasi, yang problema na yan, malalama't malalaman din naten yan. Maybe hindi ngayon pero balang araw, for sure. Sasabihin naman ni God na yan na yung right time eh. Malalaman mo rin sa sarili mo na may pagkakamali ka. Hmm, siguro, hindi MALI sa batas ng tao pero siguro, sa batas ko? HAHAHAHAHAHAHA :D May batas kasi ako :))
Basta ganun. :D At, kung anu man ang maging resulta ng mga pangyayaring ito, masasabi ko lang, MASAYA KO. :)) Kasi hangga't maaari, hindi kita papansinin sa mga hindi magaganda mung ginagawa or sinasabi dahil wala naman akong mapapala. :D Ngingiti na lang ako at gagawin ang mga dapat kong gawin at magbblog ng mga nararamdaman ko. Yun lang :D HAHA
* Naiihi na 'ko. Sana makalimutan ko. :)) Tinatamad pa kasi akong umihi eh :)) SAYA!! :))
No comments:
Post a Comment