Sunday, July 24, 2011

It Wasn't Me.

Okay, madramang title. :)) Kainis. :))

Wala lang.. Medyo nagddrama nga ng kaunti. :)) Kasi parang may narerealized ako sa sarili ko ngayon lang. At di ko alam kung anung nagparealize saken nun. But anyway, salamat sa kanya kung sino man sya or kung anu man sya. :)

Narealized ko lang kasi, yung ako ngayon, parang hindi naman ito yung talagang ako. I mean, yung halos nakikipagsabayan sa mga bagay bagay. Nadala lang ako ng mga nakikita ko sa tumblr at kung saan saan pa. Pero, narealized ko, di naman ako sumasaya dun.

May ilang kaartehan ang bawat babae pero normal samen yun. Like, wearing the best dresses, maglagay ng make-up, nail polish, magpapayat to feel good and many many more. Narealize ko kasi, siguro, my limitations had something to do with what I am now. Parang, pinatikim lang nia saken what it feels like, and now, it doesn't make any sense. Ewan ko. Parang hindi ako comportable sa ginagawa ko like wearing the best. Sobra. Narealize ko, mas gusto ko talaga ang shirt. Sobrang comportable ako sa shirt and shorts. Pero super love ko talaga ang dress pero parang gusto ko lang sila ipunin at suotin pag kinakailangan.

I had a boyfriend and I would admit na I really try hard para maging the best. But somehow, nakakapagod rin pala. Naisip ko kasi dati, minsan na nga lang kami magkita, di pa ba ko magsusuot or magmumukhang super ayos? Eh, ewan ko. Parang nawirduhan lang ako sa sarili ko na ayoko na sa notion na yun. Parang nacocornihan na ko. Hahaha. :D Parang ngayon, gusto ko na ang shirt and pants/shorts. Di ko alam kung may kinalaman ang period ko sa bagay na to pero I guess if it did, it still has something to do with my character [Naks! kumacharacter pang nalalaman! :))] Haha! Eh kasi, parang dati, nung medyo naexplore ko ang outside world, naalala ko ang wirdo kong outfit - shorts and jeans. As in pantalon talaga. Di ako lumalabas ng bahay na hindi yun yung suot ko. Tas parang nag-improve? Or I was influenced by my playmates? Ayun, nagdadamit pangbabae na rin ako ilang weeks after. :))

Oh well, sa dami ko na namang kwento, nawala na naman ang main point ng storya ko. :)) Lagi na lang ganito. :)) Kairita. :))

Basta ganun. I'll try my best para malaman kung anu ba talaga gusto ko at sana, di na ko maapektuhan sa sinasabi ng iba. Medyo naoovercome ko na to, I guess. Salamat sa mga taong baka nakakatulong saken or nagparealized saken nun. :)

I miss my girlfriends! I miss my boyfriend! I miss UST! :(( Lungkot.

Thursday, July 21, 2011

Senyales ng pagdating nia ngayong buwan.

Okay, sobrang namiss ko magblog dito :(( As in! Parang bigla kong naisip ngayon na ilipat ko kaya yung iba kong blogs dito.. as in copy paste? :)) Okay, sorry, medyo may topak lang. :))

So ayun na nga. Feeling ko parating na sya kasi nafifeel ko na ang mga senyales na ito:
- iritable kahit medyo wala namang dapat ikairita :))
- sobrang sweet? :)) lalu na kay Kokong :))
- kaen ng kaen.
- SOBRANG TAMAD.
- insomnia.
- OC? :))

Okay. Wala na ko maisip. Basta, ang naiisip ko lang ay gusto ko ng bumalik dito? :(( Sobrang namimiss ko na to! Parang iba pa din talaga pag dito ko ng blog! :)) Iba yung feeling eh :)) Kairita :))

Saturday, March 19, 2011

Wednesday, February 23, 2011

Just finished being an "ate".

And I guess, I somehow made it na. :D Kasi, being an ate, is hard for me. Ako pa. Parang napakadisiplinado ko kasing ate at alam kong nasa lugar naman lahat ng pagdidisiplina ko at lalabas lang ang pagiging ganun ko pag kelangan. Ayoko lang kasing lumaki sila ng makasanayan nila yung ganung ugali na baka maging problema din nila mismo in the future. Ayoko nun. Baka mahirapan silang makahanap ng mga kaibigan dahil sa ganung ugali. So I believe na mabuti ng ngayon pa lang, pinapolish na ang kanilang attitudes.

- Eto ang isa sa mga GREATEST ROLE ko sa mundo. MAGING "ATE".

Tuesday, February 22, 2011

Summation of thoughts.

'Di ko alam pero sobrang bukas ng utak ko ngayon thinking na halos 3 hours lang ang tulog ko kagabi dahil anung time na 'ko nakauwi at anung time na rin ako nakagawa at nakapag-aral ng report tas antok na antok na 'ko kanina nung nasa skul.

IBA. :))
Gising na gising naman bigla ang diwa ko ngayon. haha :D at nakakatuwang isipin na naisipan ko na rin magblog.

May mga times pala na ganun talaga. Kahit puno ang utak ko, I mean, ang dami kong napapansin na gusto kong sabihin or ikwento sa kahit anung paraan, may time talaga na tinatamad ako or should I say na WALA LANG TALAGA 'KO SA MOOD MAGBLOG/MAGKWENTO? :) Anyways, kahit anu pa mang dahilan, bahala na sya. :))

Medyo ginaganahan pa 'ko mag-aral ngayon oh. :)) 'Di ko alam kung bakit :))

Hay. Grabe ang araw ngayon. Buti na lang, natatanggap ko na sya na GANUN TALAGA. Like kanina, dahil nga puyat ako at medyo stressed, wow! pagkagising ko ng 4 to 5am para tapusin yung report ko, maya maya, hinika na 'ko. Ayoko man magpuff dahil ako talaga yung tipo na kapag kaya ko pa talaga, titiisin ko. Eh may reporting at baka kung anu pa mang mangyari sa'ken or kung anuman, yun, nagpuff ako at laking ginhawa. :) Thank You, Lord. :)

#1. Narealized ko lang kasi na tulad nga nung nabanggit ko kanina, parang, dapat kasi, tinatanggap naten kung anumang meron at kung anumang mangyayari sa'ten sa isang araw. Kasi 'di ba, paminsan, tulad ko, sa gabi, bago ko matulog, medyo nagmumuni muni ako [kung may oras pa, I mean, kung di ko pa kelangan matulog. :) ] kung kamusta naman ba yung araw ko. Paminsan, masaya. At paminsan, pinipilit maging masaya. haha :D in a way na parang, nagiging SOBRANG POSITIVE ka na mag-isip para umayos ang mga bagay-bagay and para umayos din ang aking pakiramdam bago man lang matulog/magpahinga.

- Narealized ko na hindi naten kelangan piliting sabihin na "Masaya 'tong araw na 'to" or like "Makabuluhan ang araw na 'to/ May mga magandang nangyari" kasi paminsan, wala naman talaga. Or kung meron man, sobrang liit at siguro sa pagiging medyo walang pakialam naten ay hindi na naten sya napapansin or pinagtutuunan pa ng pansin. Mga maliliit na bagay. Ganun. Kasi, the mere fact na hihiga ka ulit sa kama mu at matutulog ka ulit, na nafeel mung buhay ka nung araw na 'yun ay para sa'ken, pwede na. :) Hindi na kelangan pagpilitin na sumaya ka or what pero at least, nafeel mung buhay ka. :) At, syempre, dapat magpasalamat ka kay GOD about dun. :) Lagi. :)

* Ang sarap ng feeling na naililipat ko na ang mga naiisip ko para onti na lang ang iisipin ko at sana, dumaitng sa point na wala na, or hindi na ganoong dapat pagtuunan pa ng pansin. :)

#2. Oo. Sinasadya ko HALOS bawat galaw ko. Lalu na pag alam mung distinct ang kilos kong yung like being MEAN. :)) Actually, kung iisipin kong mabuti, hindi naman talaga ako nagiging mean. Ginagawa ko lang ang mga dapat kong gawin at sinasabi ang mga dapat sabihin at dapat nilang malaman. Sa iilang mga tao, oo, ayoko sa iniu. Narealized ko lang kanina na ayoko talaga at nahihirapan akong maging plastic sa iniu, hangga't maaari. Hindi ako yung tipong sinsabi 'to dahil gusto kong maganda ang image ko sa mga tao dahil hindi ko naman masyadong pinapakelaman kung anung maging tingin nila sa'ken eh. Bahala sila. :)) Ang akin lang, nahihirapan talaga ko kasi ayokong may nasasabi ako about sa'yo na hindi naman sobrang sama pero yung mga medyo napapansin ko lang pero nakikipagngitian ako sa'yo 'di ba. Ewan ko. Alam ko weirdo ako. HAHAHA :)) Basta, nahihirapan ako.

Dalawang IKAW na medyo mahirap pang iwasan sa ngayon dahil sa ilang mga sitwasyon. Tulad na lang ng may mga bagay kasi na may kauganayan tayo sa isa't isa at wala kasi akong choice. Wala akong choice.

UNANG IKAW na sana marealized mu na SELFISH ka. Akala ko, ako lang ang nakakapansin pero hindi eh, may iilan din pala. Sa totoo lang, AYAW TALAGA KITANG MAGING KAIBIGAN kase napatunayan ko na SA ORAS NG PANGANGAILANGAN, 'DI KITA MAAASAHAN. Oh well, ikaw nagpakita sa'ken nian kaya ko yan nasabe. Based on experience, kumbaga. 'Di mo ko pwedeng sumbatan or sabihan na wala akong karapatan or what kasi SOBRANG SINUBUKAN KONG MAGING OKAY TAYO, pero kung hindi, hindi talaga. Wag na naten pilitin. :) Masaya na kasi ako na hindi ka kasali sa mga tinuturing kong kaibigan.

Narealized ko pa na kaya siguro plinano tayo ni GOD ng ganito para malaman ko kung anu anung mga klase ng tao meron dito sa mundo. :)) Dahil hindi ako ganun karunong tumingin. Madali akong natutuwa sa tao lalu na pag okay naman kami at hindi naman kasi ako ganung sobrang tumitingin agad sa negative attitudes eh. Hihintayin ko lang or pag nataon lang talaga na may nagawa sya sa'ken na hindi ko talaga nagustuhan.

ISA KA PA. Ewan ko pero 'di ko kasi matanggap na 'di mu man lang ako binigyan ng option/choice. I mean, yung iba, tinanong mu, 'pag dating sa'ken, ikaw nagdecide mag-isa. Eh sa nahihiya naman ako sa'yo 'di ba, kahit wala, pinilit kong magkaron. At ayun, resulta, medyo sabaw ang araw ko dahil sa pangyayaring 'yun at hindi ko masyadong na-enjoy ang araw dahil wala na 'ko.
- I know, magulo sya. Ayokong maging specific eh. Gusto ko, nagiging mysterious itong tao 'to tas huhulaan ng kung sinumang magbabasa nito, tas wala lang. :)) Natutuwa lang ako sa ganitong way na pagdescribe. Kumbaga, kanya kanyang trip lang yan. :) Walang pakelamanan. :))

AT IKAW NAMAN. Buti na lang, may mga kaibigan din akong tulad mu kaya hindi ko mageneralized na ang mga katulad niu ay ganyan pala ang ugali. Actually, sobrang IBA ka eh. Tipong, okay naman sa umpisa pero hangga't di ka nila nakikilala ng mabuti, di nila talaga malalaman kung sino ka. Mukha ka kasing mabait. Siguro nga mabait ka, pero may mga tao kang pinagpipilian kung kanino magiging mabait ay kung kanino ipapakita ang attitude. Or hindi mu sinasadya pero naipapakita mu sya sa'men ng hindi mu napapansin? Nakakatawa lang kasi isipin na parang ang imposible pag di pa yun alam ng iba. HAHA :D grabe naman ang pagkawalang-pakialam nila pag ganun. Pero, may mga naririnig na rin kasi akong negative comments sa'yo so sa malamang sa malamang, nakikita din nila, nung iba.

#3. Dahil kelangan may gawin akong paraan. Ewan ko pero, basta! Saka na lang kita ieexplain ng mabuti pag naformulate ko na ng medyo maayos. :)) Naks! naformulate! Daming alam! :)) Seri. :))

#4. Medyo naiilang na 'ko gumalaw. Pero bahala sila. HAHAHAHA. :D Kung kahit kanino mang dahilan or kung maniniwala man sila sa kung sinuman, eh di okay. :)) maniwala sila. Bahala talaga sila. :)) Bat ko pa sinabe? :)) Wala lang, nilalabas ko lang :)) [Okay. Weird moment again and again. :)) Kinakausap at binabara ang sarili. :)) IBA. :))]

Aral muna ko, habang andyan si GANA. :D
goodnight sa mga tao.

Tuesday, February 15, 2011

Ewan ko ba.

Bakit kaya parang kakaiba ang linggong 'to? Sablay sablay ang mga pangyayari, sobrang negative ako ngayong linggong 'to. Kung anu anung naiisip na hindi naman dapat isipin at kung anu anung nangyayari na di ko inexpect na parang mauulit pa.

DISASTER is the right term.

Tapos parang pag nanghihina na ko, pag parang nawawala na ko sa mundo ang gusto ko ng takasan at tapusin ang kung anu mang problema or pangyayari, natutuwa lang ako malaman na meron akong taong malalapitan. :) Naks! Naiirita ko sa mga naiisip kong salita na tinatayp ko na lang basta. :)) Nakakairita kasi para kong makata na nagEEMO na ewan :)) HAHAHAHA
At eto na, sya na. SYA NA NGA. :)) SYA NA NGA ANG TINUTUKOY KONG TAO. :)) HOW I WISH NA TAO NGA TALAGA SYA. :)) Dahil naniniwala akong isa syang GARAPATA NA MASARAP TIRISIN!!! :)) Salamat sa'yo Kokong! :) Na sa isang higa ko lang sa balikat mu at sa chest mu at guluhin ko lang ng onti ang buhay mu tas para kang naasar na hindi naman, sumasaya na 'ko. :) I love you so much dota boy! :))

Ang ganda ng itsura namin sa larawan. :)) Actually, yan ang natural naming itsura. :))

At sabaw na sabaw na talaga ko dahil ilang gabi na kong di nakakatulog na maayos at pinipili kong wag matulog ng maayos. :)) I mean, pwede naman kasing matulog na di ba pero kung anu anu pa rin ginagawa ko at inuuna ko pang gawin ang NAPAKAIMPORTANTEng mga bagay tulad ng PAGBBLOG. :)) SAYA!! :))

Okay. Bukas, panibagong araw. Sana, bago na nga talaga. :) At kahit anu pa man yan, magkikita naman kami ulit ni Bakoks bukas eh so WORRY-FREE ako. :) May magbubuo ng araw ko kahit na may sisira man nito. :)) [nakakairita! :)) ang cheesy! :))]

Okay. Tama na ang blog dahil ang kati ng tenga ko. :)) Koneksyon? Wala. :)) Pero magkakaron din yan. :))

Goodnight mundo! :)

Thank You Lord. :)

Dahil alam kong sinadya Mong mabura ko ang una kong message na halos naglalabas ako ng sama ng loob at magmumukha akong MEAN pag naisend ko yun. HAHA. Di ko na maalala yung exact words kaya nairephrase ko ng bongga ang message at maayos na ang kinalabasan. :)

IKAW talaga. :) Ayaw MO kong maging masama sa paningin nila. :"> Thank YOU po! [sa pag-erase sa utak ko nung exact words na sobrang iba ang dating. :)) Ang bait ko pa rin tuloy tignan. :)) though dapat hindi na talaga eh kung di lang talaga nabago. HAHA] and i love YOU. :D

Real friends.

"Hindi ko kelangan ng mga taong tanggap ako or gusto lang ako dahil sa panlabas kong anyo. Ang kelangan ko ay ang mga taong kahit anu pa man ang itsura ko at ugali ko ay tanggap ako."

Seri. Medyo sabaw mode. Kung anung naiisp ay basta na lamang itinatayp. :)

Sunday, January 30, 2011

Dahil di mo malalaman.

Okay. Hindi 'to kaEMOhan ah. :)) Pero kahit kaEMOhan pa man ang tawag dito, bahala na. :))

Ayurn. Gusto ko lang kasi magblog about sa topic na 'to though medyo matagal ko na syang naiisip. At hindi ko sya maiblog blog kasi naman, pag nasa harap na 'ko ng computer, hindi ko na sya naiisip. Naiisip ko na lang ulit, pag nakakakita ako ng mga ganung tao.

Para kasi sa'ken, HINDI MO MALALAMAN ANG TUNAY NA UGALI NG ISANG TAO HANGGA'T HINDI MO SYA NAKAKASAMA NG MATAGAL-TAGAL. So true! :) HAHA

Eh kasi naman, wait.
Naiihi na 'ko. HAHAHAHA
Pero nasa comp shop ako at panu na 'yan. :))
Mamaya na nga lang. HAHAHAHAHA
Seri :))

Oh eto na. :)) Ayurn. May mga tao kasing sa unang tingin, or sa unang kilala, mukhang okay. Hmm, parang mali yung term ko na may mga tao? Dapat yata, halos lahat ng tao eh? HAHA. :D Wateber! Basta 'yun na yun! :))

Ayun. May mga tao kasing hindi mo inaasahan na ganun. Hindi naman sa sinasabi mong masama sya or ang pangit ng ugali nia pero panu kung yun talaga yung nangingibabaw? I mean, twing nakakasama mu sya, parang yung negative na halos lahat ang nakikita mu pero hindi dahil gusto mong mag-isip ng negative pero dahil yun yung pinapakita nia.
At yun nga talaga. :))

Paminsan, wala ka ng palag. HAHA. :D [Wala lang. Natawa lang ako sa palag. :)) Parang nagkkwento lang ako sa totoong tao eh. HAHAHAHAHA :D Seri, ang weirdo ko na naman :))]

Ayun. Wala ka talagang palag pag sya na yung nagsalita sa ibang tao. Panu ka papalag? Eh di mu naman maipagtatanggol yung side mu dahil sila ang nag-uusap di ba? HAHAHA. Eh di ka naman kasali sa usapan eh. :)) Ikaw lang yung pinag-uusapan. :))

Hindi mu alam kung anung sinasabi nia sa mga tinuturing niang kakampi. Pero para sa'ken, kahit anu pa man yun, depende yun sa sinasabihan kung makikinig lang sya sa side mu. Oh well, kung ganun sya, bagay kayong maging magkakampi. YOU AND YOUR FRIEND AGAINST THE WORLD? :)) Naks! Ang drama! :)) Okay. 'Di magsama kayo. HAHAHAHA :D Walang pumipigil :))

At ayun na nga. Mahirap lang kasi pag hindi mu napagtatanggol ang side mu lalu pa't alam mung hindi naman kasi totoo yun or kung may part man na totoo, syempre, sya yung nagkkwento, bida sya. :D I mean, hindi mu naman kasi alam kung anung ikkuwento nia diba? Swerte kung isama kang niang bida, sidekick kumbaga. Eh what if kontrabida? HAHAHA :D Tas yung tipong sa telenobela na yun, pipe ka pa? HAHAHA :)) Kawawa ka naman. :)) Nagkaalaman na sila ng mga opinyon pero ikaw? Hindi man lang nia narinig ang side mu. :)) Wala ka talagang laban. :))

Pero bahala sila. HAHA. :D Bawat tao ang bahala sa kung saan sya maniniwala. Oo, sabihin naten na hindi nagugustuhan ng mga tao ang ugali mu, I mean, may mga ugali kang hindi nila gusto. Pero, ang tanong, sila ba kasi ang standard mu? At kelangan mu bang magbago para lang sa kanila? Samantalang, maraming tao ang nagmamahal sa'yo dahil ganyan ka? HAHA. :D Patawa. :)) Isa lang sya or ilan lang sila. Pero kahit napakadami pa nila, wala yan. :)) May mga tao namang naniniwala sa'yo at yung thought na yun lang, AYOS NA. Hindi mu kailangan ang mga taong ayaw sa'yo dahil kung hindi papapangitin lang nila ang magandang araw mu. :D Walang sense na pansinin sila. :D Tutal, hindi lang naman sila ang tao sa mundo. MARAMI PA. At kung mapag-alaman natin na ikaw nga talaga ang problema, TALO NA KAYO NG/MGA FRIEND MO. :)) Kasi, yang problema na yan, malalama't malalaman din naten yan. Maybe hindi ngayon pero balang araw, for sure. Sasabihin naman ni God na yan na yung right time eh. Malalaman mo rin sa sarili mo na may pagkakamali ka. Hmm, siguro, hindi MALI sa batas ng tao pero siguro, sa batas ko? HAHAHAHAHAHAHA :D May batas kasi ako :))

Basta ganun. :D At, kung anu man ang maging resulta ng mga pangyayaring ito, masasabi ko lang, MASAYA KO. :)) Kasi hangga't maaari, hindi kita papansinin sa mga hindi magaganda mung ginagawa or sinasabi dahil wala naman akong mapapala. :D Ngingiti na lang ako at gagawin ang mga dapat kong gawin at magbblog ng mga nararamdaman ko. Yun lang :D HAHA

* Naiihi na 'ko. Sana makalimutan ko. :)) Tinatamad pa kasi akong umihi eh :)) SAYA!! :))

Monday, January 24, 2011

Just a matter of acceptance.

Dahil narealized ko na ang salitang yan lang pala ang kelangan ko para di na ko maguluhan sa buhay ko :)) ACCEPTANCE.

Yes. Naguguluhan ako sa mundo. HAHA. :D Aminado talaga ko na ako yung magulo. :))

Syempre, given na, na IBA'T IBA BAWAT TAO.
Attitude.
Hilig.
Gusto.
Lahat iba.

Pero kasi, kaya ko naguguluhan [na tipong hindi naman kasi kelangan maguluhan pero ginugulo ko pa yung sarili ko :))], kasi may mga taong, hindi ko alam kung panu ko sila titignan as a person. I mean, kung okay ba sila or hinde.

May times kasi na may mga taong gusto ko sila, syempre dahil matagal ko na silang kilala as ganun at kung anu pa man. Tapos biglang pag may nakita akong side nila na parang hindi ko gusto, paminsan, nag-iiba na yung tingin ko sa kanila. Paminsan. HINDI PALAGI. Eh kasi naman, siguro naman, may mga tao ding katulad ko diba. HAHA :)) [Ayan na, naghahanap na ko ng kakampi :)) Irith! :))] Katulad ko in terms na, syempre, tao sya, hindi lang yun yung ugali nia di ba. May iba pa. At dun papasok si Acceptance. Kasi naman sya eh, di ko narealized agad na hindi naman kasi dapat may SOLID kang stand sa isang tao. Yung parang ganito, alam mong okay sya. tas may lumabas syang ugali na ayaw mu. tas parang biglang magdedecide ka na lang na ayaw mu na sa kanya kasi nga dahil sa may ugali sya na ayaw mu. Bat kasi hindi na lang tanggapin sya bilang tao da ba, Mio? :)) Kaya nga tinawag na TAO eh da ba. :)) [Galit ako :))]. HAHAHAHA :D Eyurn. :)

Basta ganun. HAHA. Kung sinomang magtatangkang magbasa nito at di nia maintindihan, masasabi ko lang sayo, ACCEPTANCE. :)) Paminsan, ganyan talaga ko. :)) May gusto kong explain pero di ko maexplain ng mabuti :)) Basta, ang importante, nablog ko sya. :D Yun na yun! :)) Goodnight! :)

Just a smile. :)

OMG. I miss blogging :/ Sobra! :)) At heto na naman ako. HAHA :D magsusumbong sa multiply blog ko :))

Ohey. Grabe kanina, disaster na umaga. As in. :((

#1. Nasira ang aking sapatos. As in pagkasuot na pagkasuot ko, nasira na sya agad. :(( Eh wala kong magagawa kasi sira na din yung iba ko pang mga sapatos :(( tas yung isa, sobrang taas ng heels! At ako'y sobrang nagmamadali na dahil late na ko. So sinuot ko sya kahit sira :)) :(( [weirdo ng smileys :)) mukang timang :)) seri. :))]

#2. Nawala ang panyo ko. :(( At mukhang yun pa ata yung pinakafavorite kong panyo sa lahat!! :(( OMG. pakamatay! :(( Napakapawisin ko at di ko talaga alam gagawin pag walang panyo. :(( Iba talaga ang feeling. :(( Parang pakamatay :((

#3. Depressed ako kanina. At hindi ko alam kung bakit. Grabe, sobrang bigat ng loob ko. :(( As in. Di ko nga alam kung san nanggagaling yung feeling na yun eh pero ganun talaga. :((

#4. Wala kong gana kumain. Eto, medyo okay pala 'to. :)) Para naman pumayat na yung tyan ko da ba :)) Kaya pwede na yan :))

At ayun na nga. Depressed ako kanina sa di malaman na kadahilanan. At sobra talaga kong nalulungkot. Hanggang sa...
NagCR ako.
Tas pag labas ko kasunod ko si ate na nakapangmaintenance na uniform. Eh tapos syempre, pasara yung pinto diba, parang medyo pinalabas ko muna sya bago ko bitawan yung pinto tapos..
nagsmile sya. :)
saka nagpasalamat. :)
Masasabi ko lang, IBA. :D Sobrang IBA. :D

Ewan ko pero gumaan yung loob ko. HAHA. :D parang nawala yung pagkadepressed ko. Kasi narealized ko,
'Pag nalulungkot ako, hindi ko naman kelangan maghanap pa ng magpapasaya saken or kung anuman. 'Bat hindi na lang ako sumaya ulit sa pamamagitan ng maliliit na bagay tulad ng SOBRANG SIMPLENG mga gawain na kahit onti, nakakapagpasaya ng iba. :D

Waw! :)) Dami kong alam. HAHAHAHA :D Eto na naman ako. HAHA :D Medyo kung anu anu pinagsasabe :)) Pero, totoo talaga yan. :D Nawala talaga yung bigat na nararamdaman ko. :D Salamat kay ate. :D

At ngayon, okay na ko. :)
At oo nga pala, kanina, sa sobrang lungkot ko, talagang kinausap ko na si God. :( Talagang sumandal na ko sa Kanya, na tipong Sya na bahala kung anuman. At feeling ko, ayun, pinadala Nya si ate para pasayahin ulit ako. :D Kahit hindi SUPER SAYA, basta maalis lang ang mabigat na feeling at mapangiti na ulit ako ng may dahilan :)

Tuesday, January 18, 2011

Parang walang exam bukas. :))

Ang saya ko :)) Di pa ko natutulog at di pa din nag-aaral. Parang di ako estudyante eh :)) Parang di ako graduating :))

'Cause it was not an ordinary day.

'Cause I normally see him on streets, with his companions. He act indifferently, I don't know. So whenever I see him, I would just tell to myself the line, "Each man is carrying his own cross everyday" so maybe, I should just accept that fact.

I'm bothered for I saw him tonight.

I always see him because he lived near ours. We don't talk. Only when his grandchild is there or he asks something from me like a bread or anything.

Few minutes ago, I saw him in that place where he sit still, and was thinking very deep. HE JUST STARE AT SOMETHING. He looked opposite to where I saw him. I know he knew that I was there but just he just ignore it.

I CAN'T PREDICT WHAT HE WAS THINKING. But when I realized that story, maybe, it was LIFE. Maybe, tonight, everything is sinking unto him. Every little thing that happened to him, and where he was now. That if he was happy or not, that if this was the life he wanted or not.

And life was never easy. Really, it wasn't.

At times, you don't know why things happen. And sometimes, it hurts to think that you just did everything to be happy and you know honestly that what you did is something considered as RIGHT in human and God's language.

But look what life is doing. It may never meant to hurt us, but we can never deny that whatever pain it brings, IT WILL ALWAYS LEAVE A SCAR. Something that will be there forever and what hurts more is that, when we always see that scar, the result of that pain...
Oh my gosh!
I can't think of how he could make it.
Only, if they're holding on tight to Him. Leaving everything to Him. For He never fails. He will always be there. He will always listen.

So, let me just say, thanks to Him.
I know, he will take care of you.