Wednesday, October 20, 2010

Masakit lang kasi sa kalooban.

Dahil kakablog ko lang na masaya ko kanina tas eto naman yung pakiramdam ngayon. :'(

Gusto ko ng kakampi. :(( I mean, kelangan ko. :((

Bakit kasi ganun di ba. Minsan ka na nga lang madalaw ng FB tas sa minsan pa na yun, di man lang masilip page ko. Pero page ng mga medyo close mu [note: BABAE kasi diba] na friends, nacocommentan mu, nailalike mu.

I know.
Ang babaw.
Alam ko talaga.
Pero bakit kasi sa maliliit na bagay na ganun, ni hindi mu man lang mapakita na may pakialam ka diba? Buti pa kasi sa kanila, meron. Yung pakialam na yun na naipapakita mu din sa iba na may pakialam ka nga saken. Tulad sa FB, kahit anung gawin mu dun, makikita ng mga tao. Nalalaman nila kung sino yung nakakaalala o nakakapansin sa'yo diba? Onting pagpapahalaga lang kasi na nakikita rin sana ng iba diba. Hindi yung, oo, pinapahalagahan mu nga ako pero tayo lang yung nakakakita. Iba pa din kapag nakikita ng iba, IBA PA DIN TALAGA :((

Ewan ko? Sige na. Ako na mababaw. Ako na talaga. Ako na isip bata. :((

Pero masakit kaya.

No comments:

Post a Comment