Monday, December 13, 2010

My side. :))

Nakakatawa lang kasi. HAHAHAHAHA. :)) Deep inside, sobra kong natatawa :)) Anyways, I'm blogging kasi I wanted to explain my side. I know, medyo nakakatawa kasi papatulan ko yung issue na yun pero gusto ko lang malaman ng ilang tao na nagbabasa nito na IT'S NOT MY FAULT. :))

Okkeh. Di ko naman sinasabing sya may kasalanan pero what I'm after is that hindi ko kasi alam na may ginawa/sinabi syang something. Pero ayos na kasi yung hindi ko alam eh, pero sana, kahit papano, pinaramdam nia saken na inis sya para hindi sya magmukhang plastic. :D

Ako. Oo. Nainis ako NOON sa isang taong kasama ko madalas. Pero, as what I'm always saying, UMIIKOT ANG MUNDO, LAHAT PWEDENG MAGBAGO. Di ko alam kung panu pero after ng isang incident na DEADMAHAN, nung nagpansinan, parang bagong kakakilala lang namin ulit :) I just can't imagine na itong taong to ay makakasundo ko and I'm so happy about that. Una, iniisip ko kasi nun, baka ako rin kasi yung may problema kung bakit di kami nagkakasundo, pero ewan ko. Parang magic kasi talaga. After ng walang pansinan, biglang nagkabreak na SOBRANG OKAY. :) AT, hindi ako naging plastic sa kanya nung ayaw ko pa sya or nung naiinis ako sa kanya. Pinapakita ko, sinasabi ko. Eh ikaw kaya? :)) Anu kaya? :))

HAHA. :)) Sorry, pinapatulan ko pa tong issue na to pero gusto ko lang kasi malaman na alam ko sa sarili ko, wala kong kasalanan. And sabihin na nga naten na kasalanan ko yun, is that enough for you to say those words? HAHA. Nabother lang kasi ako. :))

Going back to the issue, sana kasi, alam mu ang difference ng typewritten words and verbal words. :) Alam mu difference nun? Yung tone ng voice. Ewan ko kung namisinterpret mu yun or anu. Sa totoo lang, wala naman kasi akong CARE kung namisinterpret mu yun or what, ang ayoko lang is, inis ka pala saken, okay ng hindi mu sinabi eh pero hindi mu din pinakita. Tapos malalaman ko na may issue na pala sa kabilang network. :)) Though di mu nireveal sa ibang tao kung sino yun, I believe sa iba, nireveal mu. And mukang nagkamali ka sa taong sinabihan :)) Mukhang nagkamali ka. :))

Okay. I'm not saying na ang perfect ko or what. I know, may attitude din ako pero I know kung kelan ko ipapakita yun. :)) Grabe, tuwing naaalala ko ko yun, natatawa talaga ko. Ang simple simple lang kasi tapos ipapagawa mu pa saken. Eh di mu naman sinabi saken na hindi mu din pwedeng gawin kasi may problem. WALA KANG SINABI SAKEN :)) tas dahil dun, issue na? :)) C'mon! :))

Anyways, as of now, medyo nakagetover na ko. :)) Compared kanina na hindi ko magets kung bakit mu nasabi yun :)) Okay. Dapat ng itigil ito at sana hindi na maulit pa. Dahil alam ko, medyo kilala mu ko, binabasa mu tong blogs ko at madalas pa kita nakakasama. Kung anung nararamadaman ko at madalas, naiisip ko, sinasabi ko. So pag nagkaron ng instance na hindi ko nagustuhan ang mga nangyayari at alam kong dapat na kong magsalita, alam mu na. :) nakarinig ka na I know. :) diba diba? :D Sinasabi ko lang naman kasi kung anu yung nakikita ko eh saka totoo naman kasi yun. Pinuput ko lang into words. :) Pero alam mu yun, paminsan, masakit marinig ang katotohan :)) Alam mu kung bakit? Kasi hindi mu tanggap na ganun.. ganun ka. :)

Lesson learned: Hindi na dapat iutos ang isang bagay na alam mu namang kaya mung gawin. Kung may problema sa gagawin mu, magsabi ka. Wala namang masama at mawawala eh diba? :)

Friday, November 26, 2010

Yes, please?

"Dear God, Please set my heart free so that I can one day be happy again. And please help me forget the things I can not change for it weighs heavy on my heart." - Tumblr

The things I cannot change. Paminsan, naiinis ako dito. :/ Eh syempre, ikaw ba naman, may mga gusto kang mangyari sa mundo pero di mu mabago. Like, those parasites. Again and again. They're my topic again. Kasi eh, di ko alam kung panu na gagawin ko with them. Though pag inisip ko kasing mabuti, wala naman kasi akong dapat gawin with them. Gusto ko lang kasi talaga sila turuan ng kanilang lessons. Yung tipong, hindi maganda ang laging nakaasa sa iba. Na magsikap naman sila kahit papano. Hay. Kung wala akong magagawa about dun, then, ipagppray ko na lang yun. :/ Sana hindi ko na maisip at MAPILIT KO ANG AKING SARILI NA HAYAAN NA LAMANG YUN. SANA. SANA TALAGA.

Isa pa. The GROUPing. Paminsan kasi, naiisip ko, bat di na lang kasi nila tanggapin na hindi lahat ng bagay ay hindi pwedeng pagsamahin kaya sana, wag ipilit di ba? Hindi kasi ganoong nakakatuwa. Syempre, kasama ka nga sa group pero iba pa din yung feeling. Pero sa gitna nian, sobrang naappreciate ko ang WARMTH ng ilang mga tao na sabihin na naten na we don't belong to their group pero sila talaga yung nagpupush na parang, "tara, pwede kayo maBELONG dito. andito ako ;)" Yes. Ganun yung nafifeel ko pag sila yung nang-aalok. Galing sa puso. Ramdam ko. :) Kaya sila ang mga taong sobrang hindi ko makakalimutan kahit kelan. :) I love them so much compared to the others. I super love them! And when the time comes, ipapaalam ko sa kanila yun. :)

Natuwa lang ako kay Maki. :) HAHA. special mention. :) Dahil at times na iba talaga ang feeling ko, I mean, those kaWEIRDuhan moments, masaya ang feelign pag alam mung hindi ka nag-iisa, yung tipong may nakakafeel din sa nafifeel mu. :) Nalulungkot lang ako dahil nahihiya pa din ako sa kanya sa personal. :/

OMG. di ko nafeel ang pharma week. Oh well, kasalanan ko din naman kasi. Di ko sya inenjoy. :/ Ewan ko ba, natatamad ako eh :)) Tas may time talaga na naiisip ko na baka sadyang ganun? Ewan ko. Ang labo. HAHAHAHA. :)) Basta ang alam ko, masaya ko dahil maraming walang pasok. :)

Okkeh! Natatamad na ko magblog. Yan na lang muna for now. Hmm.. wait. May gusto pala kong sabihin. Isa pa sa pinakagusto kong mangyari sa buhay ay MAGDRESS HABANG BUHAY. :))Kung pwede lang eh nu? :)) Sorry. :)) Gusto ko talaga ng nakadress ako :) Iba yung feeling eh :))

Friday, November 5, 2010

Nothing's changed.

Bat ganun. Seems like everyday, when I wake up, ang susunod kong gagawin is magprepare for my duty tas pupunta ng hospital ng mga 8 or 9 tas uuwi na ng mga 7 or 8.

Bat ganun. Parang paulit-ulit na lang ang ginagawa ko everyday? :/ Parang.. walang nagbabago. Natutulog ako tas gigising ulit ako. Parang nakukulangan na ko ng reason sa buhay. :( Kainis. Emo mode na naman ako. :/ Though di naman ganun kaEMO pero, I don't know. There's something in me I can't explain.

Pati yung mga feelings na nagpapasaya sa'ken before, nawawala na, at parang wala na nga talaga. Those bondings na I'm so excited about, bigla na lang parang wala lang. Hindi ako naeexcite. Wala kong gana sumama. Parang gusto kong mag-isa. Pero siguro, kelangan ko talaga ng break. :/ Kelangan ko magrest at magchurch. Hay. Kelan kaya mangyayari yun? :(

I don't know kung kelangan ko lang ng time para sa sarilil ko or what. Naiinis ako kasi di ko malaman ang mga dahilan ng mga bagay bagay. :( Parang gusto kong makipagbonding pero hindi sa mga same na taong nakakabonding ko. I'm not talking to strangers pero siguro, those people na kakilala ko pero hindi pa lang kami nagkakabonding ng ganun. And those regrets. Akala ko tapos na sya. Parang bumabalik na naman sya. And I hate it. I really really hate it. :( It makes me feel bad talaga.

Hay. Ayoko pumasok ngayon. Parang gusto kong gumawa ng mga decisions ngayon pero siguro, kelangan ko pang mag-isip ng mabuti. Pero panu ko mag-iisip ng mabuti kung nawawalan na nga ako ng dahilan? :'/ Argh. Ang laki ng problema ko. haha. kainis.

Sana, iba tong araw na to sa mga araw nung mga nakaraan. Parang ngayon, gusto kong magleft4dead na magvideoke na maglaro na maglakwatsa at.. magpahinga. :/

Sorry sa another weird moment ko. :( Sobrang weird. Ako din, nawiweirduhan na sa sarili ko.

Wednesday, October 27, 2010

Kasunod lang ng naunang blog. :))

Sorry kung mukha kong ewan mag-english english pero I don't know? Sobrang saya ko lang na hindi ko malaman kasi first time niang nag-open sa'ken ng ganun eh tas sobrang inaadmire ko sya tas ayun! WOW! :)) As in. Sumaya lang naman ako ng sobra da ba. :))

I really wanted to sleep na, kanina pa. Pero ayaw kong palagpasin ang araw na 'to na hindi ako nakakanuod ng movie. :) OMG. sobrang nagugutom ako pero ayoko kumain kasi nagdadiet ako. HAHAHAHA

What a blessed day! :D kanina. as in sobra. Parang gusto kong ikwento every detail kaso, I can't. Medyo sobrang pumipikit na talaga yung mata ko at pagod na ko ng sobra. bukas ko na lang kaya kwento? Aww. Baka tamarin naman ako. :)) Minsan na nga lang sipagin, di pa lubus-lubusin da ba. :))

O game.

* Nakasama ko ang mga mahal kong C'origs sa enrolment hanggang sa pagkaen hanggang sa paggawa nila ng thesis kahit di naman ako gagawa. Hinihintay ko kasi si mam dacs eh. At OMG ulit! :)) Nung nakita ko si mam dacs kanina, I was so happy talaga! As in napatayo talaga ko at pinuntahan agad sya.

Panu ba naman, last week ko pa sya hinahanap at lagi syang wala. Tuloy, di ako makapagstart ng internship ko. Ngayong linggo pa lang. Hmm. Medyo iko-consider ko na nasayang yung nakaraang linggo kasi may time nun sobrang boring na ko at gusto ko na talaga mag-intern dahil sobrang nababagot na talaga ko at nappressure. Ayun.

ISINGIT lang ang pimples sa ilong. Baet! :)) Tapos sinisipon pa. Tapos ako pa yung pawisin yung ilong. :)) Anu ba? :)) kaILONGan na lang ba ang topic sa buhay ko ngayong mga araw? :/ Medyo nakakalungkot, actually hindi medyo pero nakakalungkot kasi talaga kasi alam mu yung feeling na syempre, sinisipon ka, may pimple ka, pigil na pigil at iwas na iwas kang matamaan sya! >:/ Syempre, baka lumaki pa yan at mas malala naman yun diba. Pero ang pangit lang talaga sa feeling na ganun diba? :( Salamat ng madami talaga sa SIPON, PAWIS, at PIMPLE. da best!! :)))

At ayun na nga. Pumunta pa ko ng marikina para ibalik yung MOA. Tas wow! Nung nasa cubao na ko nun, sobrang nagulat ako nung umulan dahil wala akong dalang payong. At grabe talaga yung ulan. HARD! :)) Tas wala kong payong. Tas nung sumakay pa ko ng fx, ako yung pinakahuling sumakay sa gitna. So pag may bababa, kelangan ko din bumaba para makababa sya at waw! mauulanan kasi ako da ba.. pero dahil blessed nga ang araw na to, walang mas nauna pang bumaba saken. Si ate na katabi ko, nakibaba na din sa binabaan ko at sobrang blessed talaga ko sa kanya dahil pag baba ko ng fx, mabigat pa din yung ulan tas nung nakita nia kong walang payong, pinayungan nia ko at medyo hinug pa. :)) Basta, sobrang thankful ako sa kanya! Sobra sobra! :D Kung wala sya, malamang, naligo ako sa ulan at haharap ako sa administration ng Amang ng basa. Hindi nakakahiya! :))

* Tas yung isa, yung video kasi ni ninoy aquino. di ko kasi sya ganun kagusto dati dahil di ko din alam. basta, hindi ko sya sobrang idol na ganun. eh tas may pinanuod sakeng video si kokong tas andun sya tas parang ang topic is about kay GOD. tas suffering. sobrang natuwa ako kasi sobrang nagets ko yung point nia.

Kaya tayo binibigyan ni Lord ng sufferings, kasi alam Nia na during those times, dun tayo lumalapit sa Kanya. So, kapag nagsusuffer ka, nagiging strong ka din at the same time pero most of the time di mo napapansin dahil nangingibabaw ng yung feeling na HARD and PAIN. Pero kaya ka nagiging strong kasi, the more na mahirap yung mga sitwastyon, the more tayong lumalapit kay GOD, the more nagiging strong yung faith naten, th emore na nagkakron tayo ng time to think about everything, to assess everything and come to realize na WHATEVER HAPPENS, ANDYAN LANG SI GOD. Hinihintay ka lang. :)

Ayun. :) At end of story. Have to sleep. Nigght! :)

Dear Missy Number Two. :)

Dear Missy Number Two,

Your name was made like that because of all the girls in that place, you're the second one who told me things I would never imagine you will. :) And to tell you honestly, I was really happy about that. :) It really made me smile that big 'cause I really admire you. :) Sounds like I'm something or what? But that's not it. ;) I just do admire you for reasons that I myself do not know yet. :)

What made me enter this letter is because I wanted you to know something. Though I know that you may not read this letter, maybe 'till forever but I still wanted to say it. :D I wanted to say that I'm happy for you. :) Though everyone in the world might think that it shouldn't be, still I'm here to support you for whatever plans you'll make. :) THOUGH RIGHT OR WRONG. :D 'Cause I have this feeling that whatever decision you will make, you'll be REALLY happy for that. And I, will be happy for you as well. As in VERY HAPPY. :)

You know what? You're this important, I guess. That I didn't let this feeling (happiness) passed me by. I wanted to share this though I always know that you will never read this. :) I just wanted to share this. I just wanted to share how happy I am seeing you that happy. :D I love you! And may God bless every decision you'll be making. :) I'm always here for you. :)

Love,
Mio :)


[Sorry kung puro HAPPY at parang paulit-ulit. MASAYA lang kasi talaga ako. :) ]

Friday, October 22, 2010

'Cause tonight, I'm inlove.


With this man. :) I always love this man pero iba pa din talaga yung feeling na you're in a relationship na medyo matagal na pero the feeling na inlove, andyan pa din. :) Nafifeel mo pa din. :) And parang there's something in me that I wanted to share like our kulitan moments and whatsoever pero there's no reason to tell stories like those. parang inlove lang kasi talaga ako and I'm so happy about that. VERY VERY HAPPY. :) Yung tipong parang ayokong matulog hangga't hindi ko napagkakalat sa buong mundo na I LOVE HIM SO MUCH! :D

Grabe. I wanted to see him. I wanted to hug him so tight. :/ Kung pwede lang eh. Napakalayo nia kasi eh kaya ang winiwish ko na lang ay magkaron ng reason para magkita kami. :)

Oh no. Feeling ko, ginayuma ako. :)) Sobraa! :)) What if totoo nga nu? HAHAHA. :D Ayos lang. :) Sya naman eh. :)) Daming alam. HAHAHAHAHA

Okkeh! It's already 3 o'clock in the morning so I have to sleep na. :/ Since wala din naman akong matinong kwento, gusto ko lang iblog kung anung nararamdaman ko for this moment, and since naiblog ko na sya, pwede na kong matulog. :))

Wait. Pahabol. Grabe. This day is not so good at all. Parang may mga mali, may onting INIS & HEARTACHES pero, parang it's how you end your day talaga. :) Yung iwan na lahat ng nangyaring masama & then rest. Do not be worried about tomorrow for tomorrow is another day. It's not the same day as today so whatever pain or heartaches you've felt this day, you may wanna spend the another day happily and full of love. Though we may not know what will happen, that there are really inevitable scenes that we don't want to happen but, we cannot do anything about it. So, I believe that we just have to trust the ONE who's making it. :) There are hidden reasons behind every scenes and it for us to discover, and better learn from it. :)

Thursday, October 21, 2010

A mom like her.

Okay. I was in the burial of my uncle a while ago. I was with my mom. Then, while sitting & doing nothing, my auntie came. She's not the wife of me deceased uncle but she's his sister-in-law. She brought two of her children with her & sat beside us(me & my mom). Then she started to tell stories about anything.

SHE is a Christian, and her children as well. Parang nung nalaman ko yun, medyo syempre, waw! :) I don't know pero kasi, para sa'ken, if you're a mom & you're a Christian, napakalaking bagay nun. Kasi, you attend meetings. You listen to other people's stories at least weekly. Tapos, I don't know but I have this belief that they are more understanding & they were the ones who loves to learn everyday & maybe, inspire others even in small talks. Ewan ko? 'Bat parang ang taas ng expectation ko sa kanila? Pero parang I'm not wrong naman eh. Kasi, my tita is the answer.

I was listening while she and my mom talked. 'Di naman kasi kami close nung anak nia na medyo nalalapit sa edad ko so I'd chose to stay with them na lang. Tas ayun, sa mga stories na narinig ko from her, parang ang saya lang 'pag yung attitude nia ay same with my mom kasi.

"Nahold-up na nga, papagalitan ko pa." Eto yung parang isa sa mga gusto kong marinig from my mom though I'm not saying na 'pag sa'ken nangyare yun eh hindi ganun yung sasabihin nia. Parang ganito lang 'yan eh. Parang 'pag same instace pero different situation. Parang 'pag halimbawa, nawalan ka ng phone. Sa jeep. Tapos sasabihin mu yun sa parents mu. Some parents would be mad at their child kasi nawala. Hindi kasi nag-iingat. Pero I believe na kung si tita yun, okay lang. Nawalan na nga kasi sya tas magagalit ka pa. Parang double burden naman yun para sa kanya 'di ba? Why not show him/her na buti na lang, walang masamang nangyari sa'yo or buti yun lang yung nakuha/nawala. Parang kung ikaw kasi yung bata, ang sarap kasi 'di ba marinig yan sa nanay mu. :) Hindi sya galit. At wala rin naman kasing reason para magalit sya 'di ba? Dahil di mu naman kasalanan. Biktima ka din. :)

Tapos, yung prayers. Sabay pa daw sila nagpray nung brother-in-law nia 2 days before he died. Parang gusto ko yung ganun. Yung nanay ko yung sobrang malapit kay GOD na halos sya na din yung nagtuturo sa'men at lalung nagpapalapit sa'men kay GOD.

Ilan lang yun sa mga narinig ko at narealize. It's not that I'm comparing my mom with her and she's better. Siguro, may point na ganun pero it's more of a realization that when my times comes, that I would be a mother too, I wanna be like her. :) I want to be so understanding that my child would treat me as his/her bestfriend or her ate. :) Ang saya 'di ba? :)

Pero ang di kinasaya ay inaantok na ko at gusto ko na talagang matulog. :))
Goodnight! :)

Tags.

Okkeh! :)) Ako na ang mangmang! HAHAHAHA. :D

I realized the essence of tags here in multiply only by now. HAHAHAHA. :D And, I don't know what made me update this site that much na yung tipong, parang naglilinis ako ng folder sa pc at kelangan ng magbawas and the good thing about that is I would upload ALL the unuploaded pics na sobarang tinamad lang ako iupload at kung saan saan na napuntang folder kaya ganun. :))

Okkeh. Toothbrush lang and maybe, I'll go back to my business na, pero kasi, I'm wondering, bakit nakakaadik talaga ang Plants Vs. Zombies? HAHAHA. :D kasi, before, halos everyday ko na nga sya nilalaro and dumating lang kasi sa time na busy-busyihan at nawala ang attention dun at nung mabaet ang net sa'ken, at sya ang una kong nakita, OMG. Naglaro na ko. :)) At, parang ayaw ko ulit tigilan. :)) Parang dati lang. HAHA. :)) Ayun.

Parang may mga kwento ako and HOPEFULLY, di ako tamarin magkwento da ba. :)) Ako pa. :))

Wednesday, October 20, 2010

Masakit lang kasi sa kalooban.

Dahil kakablog ko lang na masaya ko kanina tas eto naman yung pakiramdam ngayon. :'(

Gusto ko ng kakampi. :(( I mean, kelangan ko. :((

Bakit kasi ganun di ba. Minsan ka na nga lang madalaw ng FB tas sa minsan pa na yun, di man lang masilip page ko. Pero page ng mga medyo close mu [note: BABAE kasi diba] na friends, nacocommentan mu, nailalike mu.

I know.
Ang babaw.
Alam ko talaga.
Pero bakit kasi sa maliliit na bagay na ganun, ni hindi mu man lang mapakita na may pakialam ka diba? Buti pa kasi sa kanila, meron. Yung pakialam na yun na naipapakita mu din sa iba na may pakialam ka nga saken. Tulad sa FB, kahit anung gawin mu dun, makikita ng mga tao. Nalalaman nila kung sino yung nakakaalala o nakakapansin sa'yo diba? Onting pagpapahalaga lang kasi na nakikita rin sana ng iba diba. Hindi yung, oo, pinapahalagahan mu nga ako pero tayo lang yung nakakakita. Iba pa din kapag nakikita ng iba, IBA PA DIN TALAGA :((

Ewan ko? Sige na. Ako na mababaw. Ako na talaga. Ako na isip bata. :((

Pero masakit kaya.

Just a HAPPY day. :)

Okkeh! Ako na ang may HAPPINESS na kaya kapag nakikita 'ko ay sobarang ako nagiging HAPPY. :)

Pumunta lang naman ako ng Marikina to pass some requirements & unfortunately, di pa sya tapos kaya 'di pa ko makapagstart ng intern. & ang pinakamagandang balita about dun? Kelangan ko kasing hanapin si mam dacs da ba para pirmahan 'yun pero ang sabi nila kuya, bihira makita sila mam 'pag ganitong sembreak :/ waw! kamusta naman 'yun? :/ pero parang ayos lang kasi at least, 'pag umabot pa 'ko ng december, may reason pa para magkita kami ni kokong sa december kahit wala ng pasok! HAHA. :D

Sobrang saya kasi after namin bumalik sa school ay nagmall kami at hinintay na ang 7pm dahil color coding sya. Kinalungkot lang, wala kaming picture na dalawa ngayong araw :( Pero ayos lang 'yan. HAHA. :D

Ang sobrang ikinatuwa ko ay nung nasa mcdo kami tas ang kinaen lang namin ay fries. :)) Gusto lang kasi talaga namin umupo eh nakakahiya naman kung hindi kami kakain kaya fries lang talaga :)) Tapos eto ang ginawa sa fries..


* Ang pagkakasunod sunod ng fries ay sina, WES, SYD, PAT & EMAN. :)) At eto naman ako..

May hair, damit at shoes! :)) Angas 'di ba? :)) Made by kokong :)) Hawig na hawig ko kaya pinicturan ko talaga. HAHAHA

At ayun, before ang mga pangyayaring 'yan, nagustuhan ko ang anggulong 'to kaya pinicturan ko talaga kahit phone lang gamit ko :)

Medyo naedit na ang kulay. :) Pero yung concept, as if naman na pwedeng iedit da ba? HAHA. :D ang kyut kasi ng balloon na nakasabit sa mcdo dun at medyo nagtataka kasi ako kung anung purpose nia dun eh :)) Ayun.

Tapos, sobrang window shopping pampalipas ng oras. :) Tulad neto..



Mga damit na gusto kong makitang suot ko pero ayokong magkaron. :) Gusto ko lang makita kung anung itsura ko 'pag ganyan ang suot ko. HAHAHA. :D

Ayun. So tama na muna ang blog dahil hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko :/ Para kong may dyspepsia na ewan. :)) Gusto ko magburp pero di ako maburp tas medyo nauutot. HAHAHAHA. :D Basta ganun, hindi talaga maganda sa feeling so I need to end this up na. :/

Aww. Naalala ko ang mga pending blogs ko! OMG! sana mablog ko mamaya or tomorrow. :)

Sobrang thanks kay GOD for this day. At sa mga susunod pang araw, I don't know pero I'm somehow excited :D

Dapat kong piktyuran.

Either using my digicam or my cam in the future. :)) [sana magcacam. :) pero gusto ko 'pag di na sya sikat, as in halos lahat ay ayaw na sa kanya. as if naman na pwedeng mangyari yun da ba? Photographers will always love it. :)]

* TUTUBI! OMG kang tutubi ka! hindi kita kayang hulihin ngayon pero in the future, matututunan ko din yan! :)

* SURFING! Oo! Yung alon saka yung mga talsik ng tubig! Gusto ko yun! :)

* THE MOON ALONE AT NIGHT. Bakit alone? kasi hindi ko kayang makapicture ng sya lang eh :/

* Laughter/smile ng isang bata from a depressed area. Sobra! Pero syempre, dapat, ako din magiging reason kung bakit sya tumatawa da ba. :)

* IBON! HAHA. :D parang napakalikot kasi nila eh pero ang sarap nilang piktyuran. :) lalu naman ang OWL :) LOVE ko na ang OWL kasi. :) 'di ba Jericha? :P

Okkeh! mukhang nawala na ang mga naisip ko. Saka na lang ulit 'pag naisip ko na lang sya ulit. HAHA. :D sana maisip ko pa sya da ba. :D

Monday, October 18, 2010

Thomasian Global Trade Expo.



Ako na ang hindi nahirapan pumunta na first time ko pa lang kasi makapunta dito mag-isa da ba. :)) Ako na talaga at medyo napaparanoid ng kaunti dahil medyo wala akong idea kung anung magiging itsura ng expo na 'to. HAHA. :D Sorry! :)) Ako na ang walang alam! :))


Just another C'origs bonding! :) At huwaw! Sila na ang hindi ko kasama from friday to sunday! :D Sobra sobrang bondings = SUPER HAPPY ME! :)Maaga duamting, mga past 3. :)) Tinatamad kasi talaga ako at buti nga pumunta pa 'ko eh. HAHA. :D Kung hinde, hindi ako makakakuha ng 2 FREE na ballpen at..

GENERICS na payong! HAHAHAHAHA. :D Ang saya ko eh nu? HAHAHAHA. :D Okkeh! Di lang naman ako ang masaya sa payong na yan eh! Kundi si Pef at Tony din! :)) Pati si Jessica! :)) Kami na ang natuwa sa libreng payong! :)) Kami na talaga! :))

At lalu naman sa libreng dinner! :)) HAHA, :D Salamat kasi ke JC. :) Eyon. :) At pag-uwi, angpicture muna dahil isa ito sa mga fave kong damit..

HAHAHA. :D Ang fenk! :) Sorry na sa eyebags at itsura! :) Itsura talaga ng haggard! :))

SUPER HAPPY DAY! :)

Thursday, October 14, 2010

Sign ba 'to para mag-aral ako? :/

Naks! :)) Pero ayoko pa mag-aral. :/ Medyo close pa utak ko! :( Pero di na din kasi ako makatulog eh. :/ Anung gagawin ko? :( Feelilng ko, nilalagnat ako na ewan. :/ HAHA. :D bigla lang kasi akong giniginaw na hindi naman ako normal na giniginaw pag ganito :/ Wag naman sana. :((

Panu ba naman, nagising ako dahil magbbladder clearance lang ako tas pag balik ko sa higaan ko, di na ko makatulog ulit! :(( Gusto ko pa matulog! Pero kung hindi naman na talaga kaya, eh di wag na! :)) Bahala na nga mamaya. :(( Basta wag lang sana ko sipunin sa skul 'di ba? Para naman masaya. :)

Good pa din ang morning :)

Gusto ko na magkapalikpik :))

Panu ba naman, sobrang ISDA ang pagkain ko ngayong araw except na lang dun sa kinaen namin ni Kat sa KFC. :))

Kaninang umaga, namiss ko lang kumain ng sardinas dahil sobrang tagal ko ng di nakakaen nun kaya bumili pa ko at natuwa naman ako nung nakakaen ako. :)) Kahit malansa sya, masarap pa din kasi. :D

Tapos pag uwi ko, waw! GG & Kilawin :D Sobarang SARRRAAAP! :D di ko alam kung namiss ko lang ba si GG o masarap kasi talaga sya sa panlasa ko? :) Oh well, ang kilawin, lagi namang masarap yun. :) Ayun. :)

Tapos naisip ko pa kanina na kahit siguro maging mangingisda na lang si kokong pag naging mag-asawa na kame :)) Sobrang ikasisiya talaga ng puso ko na araw araw ako makakaen ng SEAFOODS! :D Kahit magmukha na kong shokoy o anu pa man :)) Ayos lang! :))

Wala lang. :) Sobrang natuwa lang ako ngayong araw at lalu naman ang bonding buaks! :D Parang agn sarap magbukas na dahil yung hindi ako naeexcite na araw, naexcite ako bigla kanina! :) Sobra!

Tapos natuwa pa ko sa bonding namen nila JECCA, CHARISSE & KAT. :)) Oh well, kami daw ang teletubbies! :)) OMG! CHARISSE! :))

Ganito kasi ang istorya nian. Nung nakaupo kami ni charisse kanina sa quadri, may nakita kaming magkakaibigan na habang naglalakad sila, tabi tabi sila at by height! :)) By height talaga! Natuwa kami sobra at ginaya namen! :)) Kami na ang adik! :)) SOBRANG ADIK TALAGA! :)) Na dapat, una lagi yung pinakamatangkad or yung pinakamaliit :))

TINKY WINKY as JECCA MAE. DIPSY as MIOMEE. LALA as CHARISSE JAVS. & PO as KATTT. :))

At si Charisse na ang bigkas sa PO ay "poe" at binansagan ni Kat ng jejemon! :)) OMG! Ang saya talaga kanina. :D Sobara! :))

And gusto kong magpasalamat kay sistah shoolie dahil kung hindi dahil sa kanya, di ko talaga magugustuhan ang mga tea preparations ever! :) Ayoko kasi talaga ng tea pero hindi naman ako close-minded na pag ayaw ko, di ko natatry. Kaya pag may nakikita akong umiinom ng ganun, tinitikman ko naman at yung kay sistah shoolie! Yun ang nagpabago ng isip ko! :D at dahil dun, magd-d'cream ako bukas bago ako makipagkita kay kokong ko. :) Grabe! Ang saya talaga ng araw na 'to at mas ineexpect ko na mas masaya pa bukas. :) May bonding kasi ang C'origs, tas makikita ko pa si kokong my labs! :)) Yehey! :)) EGGcited much! :P

At ayun, dapat pala eh magsha-shower na ko pero sa sobrang di ako makaget-over sa kinain ko, naiblog ko at nakapagkwento pa ko nian ng mga nangyari kanina. :)

Ayun. Maya na lang ulit kung kaya pa magblog. :) Marami pa kong pending na blogs. :/ & Hopefully, maiblog ko sya next week or this weekend. :)

Goodnight! :)

Saturday, October 9, 2010

Dahil parang ang isang purpose ko sa buhay ay pigilan ang mga UNFAIR.

Oh yeah! :) Kaya kung feeling mo eh unfair ka, mas maganda sigurong wag tayong magsama. :) Mas ikagaganda yun ng buhay mo, kesa ng buhay ko. :) Kasi ako, di ako pumapayag ng kaUNFAIRan. Magalit man buong mundo saken, I DON'T CARE. :) Ba, ang sungit ko ba ngayon? HAHA. :D NAKAKAINIS LANG KASI YUNG MGA TAONG UNFAIR. :) KAKAINIS TALAGA. HAHA. Pero napakaweird ko naman at tumatawa pa ko nu? Kasi, parang may inis nga pero it's more of an AWA. Kasi, alam ko sa sarili ko na kung hindi man ako yung katapat nia, may mahahanap pa syang katapat nia na MAS pa saken. :) So kung mean na ko sa paningin nia, K. :)) Dahil ako, alam ko sa sarili ko, mabait pa ko at mabati naman talaga ko. naks! HAHAHAHA. :D Ang feeling eh nu? HAHAHAHA. :D Pero nararamdaman ko kasing mabait ako kase ayoko sa mga taong UNFAIR. :) Yun lang yun. At eto pa. May kwento pa.

Meron kasing time nun na narealized kong ayoko sya. Ayaw namin sya. Tas ang reason is, though hindi naman kami nakaexperience ng kung anu about sa kanya, mararami na kaming naririnig na chismis tungkol sa kanya at sa pagsusuri namin, para ngang tama. Pero si GOD, unpredictable talaga. Di ko ineexpect na magkakasama kami for some time. Tas ayun, nalaman ko attitude nia. So ang ginawa ko, inerase ko yung mga sinasabi about sa kanya and start judging him/her all over again. Kumbaga, walang bahid yun ng negative thoughts. Tapos, medyo okay naman sya. Pero before matapos ang araw na yun, narealize ko, hindi talaga sya okay. At nung narealize kong di sya ok, di ako naging plastik sa kanya. Ayun. :)

Siguro, mas sasaya ko kung hindi na ulit kita makakasama. :) Kasi, pag nakasama pa kita at inulit mo pa yun, oh well, di ko lang alam kung anung mga pwede kong masabi at magawa. :) Prangka ko kung kelangan prangkahin ang isang tao. :) Tandaan mo yan. :)

* Yung mga smileys ay hindi sign ng kaplastikan pero sign na hindi na ko inis sa kanya pero hindi ibig sabihin nun eh pwede nia yun ulitin. :)

Okay. Sorry kung ang mean ng blog na to. HAHAHA. :D Oh well, ganun kasi talaga ko pag ayoko sa isang tao at kapag may ayaw akong ginagawa saken. Well, mostly naman na ayaw kong ginagawa saken eh yung mga normal din na ayaw ng bawat tao na ginagawa sa kanila. :) Hindi ako OA pag dating dun. :)

Thursday, October 7, 2010

Wala pa kong blog nung retreat. :/

At yun ang tatapusin ko pag wala na kong ginagawa. :) Madami akong kwento nun at sana maalala ko lahat. :) Ang pictures ay hindi pa naipopost kasi kinocompile ko pa at wala pang time tapusin :/ Basta, matatapos din yan. :)

Tuesday, October 5, 2010

Ako na ang hindi palakain. :D

Habang nag-aaral kuno, sobrang wala na kong makalikot dito sa kama ko kaya pumunta ako ng kusina dahil baka may makita akong kanais-nais at OMG. meron nga :))

Yung ulam kaninang dinner na hindi ako nakakain kasi kumain na ko sa skul at kasabay ko kasi si kokong ko. :) Sobra ang tuwa ko [halata naman diba at napablog pa ko nian. :))] dahil akala ko, hindi na ko makakakain ng FISH ngayong araw pero nagkamali ako. :))

Salamat sa nakita kong ulam. :)) Hindi naman ako gutom pero GUSTO KO LANG TALAGA KUMAIN. :D



Odaba. May litrato pa. :)) At ang sobrang peyborit kong gulay sa pagkaing ito ay walang iba kundi ang.. KANGKONG! :D

Ako na ang AYAW kainin halos lahat ng kangkong. :)) anu ko? RABBIT? :)) Hindi, tipaklong. :D

At eto na nga ako. Miss tipaklong na may sipon at ilang oras lang ang tulog at natuwa dahil nakakakain na naman :))

Sorry kung natakot ko kayo sa itsura ko dyan. :)) Pasensya na po. :))

Okkeh! Kelangan ko ng bumalik sa pag-aaral para makatulog pa ko! :D Good morniiiinnnggg! :D

LINE OF THE DAY.

I would always have this realization during my quiet times. The times where I study how I feel, why am I feeling it, and what should I do about it. Today, my "line of the day" is "EVERYDAY I LOVE YOU".

I would define "line of the day" as a phrase or line that relates a lot to what I feel and what I have realized during my quiet moments and thinking-too-much moments. Yun yung para kasing nag-eemo ako paminsan pero hindi naman literal na emo kasi parang I reminisce, tapos, I would study carefully and look at the different angles of my feelings, my thoughts and my actions.

Paminsan kasi, sobrang deep ko mag-isip. Paminsan, hindi na dapat isipin pero iniisip ko pa din. Pero alam mu yun, I would always believe na hindi ko kasalanan yun. Parang napansin ko lang na parang may something wrong, tapos iaanalyze ko kung anung mali, tapos paminsan, OA ang mga naiisip ko, puro negative kadalasan, and now, masaya ko na natutunan kong, hindi ako dapat nag-iisip ng puro negative. Kasi, naooverlook ko yun at nababalewala ang mga positives, which is hindi maganda. Not only for me, pero pati na rin sa iba.

Ganito kasi yung nangyare. Kokong gave me chocolate cake kanina. :) I find it sweet kasi wala namang ocassion or what tas binilan nia lang ako. Gusto nia lang. Ang sweet diba? :P Tas nung nagkita ulit kami, parang.. ewan ko? Feeling ko ang lamig nia though may reason naman kasi. May sakit kasi sya. As in, hindi maganda yung nararamdaman nia. Tapos ayun, parang gusto ko magpalambing pero di nia masyadong magawa or medyo nagfail sya ng onti nung una tas ang mali ko, nagpadala na ko sa feeling na yun. Parang medyo nainis ako ng wala sa lugar at kulang sa pang-intindi. Tapos naisip ko yung line na "EVERYDAY I LOVE YOU".

Naisip ko lang kasi, pag sinabi mung love mu ang isang tao araw-araw, ibig sabihin ba nun, ipinapakita mu din sa kanya araw-araw na love mu sya? Or enough na yung feeling na basta alam mu, love mu sya everyday? :/ haha. naguluhan lang ako. at baka naguluhan din ang magbabasa neto. :D seri. :P

Basta, parang ang emo ko lang at hindi ko yun nagustuhan. :/ as in. Kasi naiisip ko pa na dapat, parang in his own little ways, pinapakita nia saken na love nia ko. Eh hello?! Binigyan na nga ako ng cake diba? Anu pa bang tawag ko dun?! Galit kasi ako sa sarili ko oh. :)) Pinapagalitan ang sarili. :)) Wirdo. :)) Seri ulit. :))

Ayun. Natuwa lang ako at may natutunan ako ngayong araw na to. :) At least, may nadagdag akong magandang attitude sa sarili ko na sana, mamaintain ko. :) Kaya yan. :D

At ayun. Parang medyo boring ang araw na to. Ewan ko? Pero masaya kasi kasama ko naman halos buong araw si NARY. :) Kaya sumasaya talaga ko. :D Tas nakikita ko pa ang C'origs na hina-hug ako. :D HAHA. :D [natuwa sa HUG eh nu? :))] Ang sarap kasi ng feeling ng hia-hug. :D Ewan ko kung anung meron at kung ako lang ba ang nakakafeel nun. :D Kung ako lang ang nakakafeel nun, Okkeh! :)) Ako na ang weirdo. Lagi naman eh :))

So, ayun. Sumaya ko bago gumawa ng kahit anung school work. :D

At wait. Naalala ko kasi si BEVS kanina. :)) Sobrang tuwang tuwa talaga ko sa babaeng yun lalu na pag may hindi sya nagustuhan na ginawa sa kanya na kahit maliit lang na bagay tas pag nagalit sya. :)) SOBRA KONG NATUTUWA SA KANYA. :)) Ang ppagtirik ng mata nia at ang pagtaas ng boses nia na parang lahat ng tao eh kaaway nia. HAHAHAHAHA :D grabe! ang saya ko talaga pag nakikita ko sya magalit. :D Para kasing joke na totoo na natural na talaga sa kanya yun. :)) Basta, SOBRANG KYUUUTT! :D

Ayun. Kelangan ng mag-aral. Mabait na net. Kung kelan ako mag-aaral, dun sya kumunek. Kanina, ayaw.

I love you honey! :D Mwa! :)

Lord, sana di ako antukin sa QC. :/ Pahelp po. :/

Sunday, October 3, 2010

Inaantok na ko. Next time naman yung ibang blogs. :/

"Remember to keep the sabbath day holy."

The 4th commandment ni God. Hmm. Ang bait kasi ni multiply eh. kung kelan ko nais magblog, saka naman sya hindi nagka-error. TIMING TALAGA. :/ Oh well, the blog must go on kasi kanina pa to nasa isip ko at hindi talaga ako makapag-aral hangga't hindi ko sya nabblog.

"REMEMBER TO KEEP THE SABBATH DAY HOLY"

God's fourth commandment. Do this commandment mean that every Christian is obliged to go to church para masabing hindi nga nila ito nilalabag? MY OWN answer? NO.

Eto pala yung sinasabi ni kokong. When a friend of him asked him the reason why they weren't going to church anymore. Sila daw nila papi. Tas parang may gusto syang sabihin na hindi nia na tinuloy. Medyo nagtananong pa sya saken eh pero medyo nalalabuan pa kasi ako nung time na yun at ngayon ko lang narealized na eto pala yung gustong sabihin ni kokong.

Opo. ganun kami ni kokong. SOBRANG may time na kahit onting words lang sabihin namin, gets na namin. :)) Yung para bang paminsan, may sarili kaming lenggwahe? :D And I believe na yung mga magbbestfriends, ay parang may ganun din. Hindi sya code name eh. Parang, yung tipong kahit di nia na iexplain paminsan ng mas deep, alam mu na na iyon yon. :P basta ganun. :D

Pasingit. Sabi ko, mag-aaral na ko ng 10:30pm eh. :/ Pero gusto ko magblog eh :/ As in. :/ Yung tipong di talaga ko makakapag-aral hangga't di ako nakakapagblog. :D ganun. HAHA. :D

Tas ayun na nga, going back dun sa MAIN topic ko, sobrang hindi kasalanan para saken ang hindi pagsimba. Kase diba ang sabi ni God, basta ikeep mu syang HOLY? Hindi Nia sinabi na MAGSIMBA KAYO. MAGMASS KAYO. diba diba? Parang do it your own way on how to make the sabbath day holy like pwedeng magquiet time ka for ilang minutes or pwede ding for ilang hours. Yung tipong basta, gawin mung God's day yung sabbath day. Pwedeng pag ganitong araw, mas matagal kang magpray. Eto yung araw na sobrang pinipilit mu talaga na wag gumawa ng kasalanan kahit gaano kaliit. Ganun. Ayun yung opinyon ko lang about dun. :/

HAHA. :D yun lang yung pero ang dami ko pang ibang topics na naisingit before ko sabihin yun eh nu :)) Ang dami ko talaga naiisip! kahit kelan talaga! :))

Monday, September 13, 2010

Ang mabait na net.

10:14 PM

Waw! bat pag saken talaga, am bait bati ng net? >:( kung kelan ko sobrang gustong magnet, saka sya OVER sa ERROR sa hindi na malamang kadahahilanan! Ihh! >:( nakakainis! Sobara. :(

Ayun. Halos kakatapos lang namin mag-usap ni MISS KRYSTELLE CHARISSE JAVILLO sa phone ng 54 minutes lang naman. :)) Ayaw kasi namin mag-usap at grabe, hindi ko talaga napansin yung oras. :)) Oh well, di naman kasi natural samen na mag-usap sa phone. laging sa personal kaya parang nakakatuwa lang. :)) may ka-phonepal na ko. :))

Hayun. Lalu ko lang kasi namimiss ang C'origs. :(( Yung mga chismisan at paminsan, parang wala ng katapusang tawanan. :(( Grabe, naiimagine ko lang kung panu kung kumpleto kami sa retreat? :(( Panu kaya kung binigyan kami ng chance na magkasama-sama? :(( Grabe, ang saya ko na siguro ng sobra!! :(

Oh well, I'm not saying na ayoko makasama yung section ko ngayon. NEVER pumasok sa isip ko na ipalit sila sa C'origs for the retreat nu. Siguro, kasama ng C'origs.. pwede pa. :) Pero SUPER HINDI yung ayaw ko sila makasama. Kasi, mababait naman sila samen at para saken, SOBRANG OKAY na ko pag pinapafeel nila na "WE BELONG" sa section nila. :) Yung pagsali samen sa kung anu anu at pag-invite din kung saan saan. :) ganun. :) Thanks 4D peeps! :)

Hayun. Gusto ko ng matulog at magpahinga at hintayin na magbukas na. :) Sana, maging masaya ang bukas ko. :) Makikita ko si kokong din kasi eh. :) Yun. :)

Sunday, September 12, 2010

Every day is another day. :)

Waw. May ganun. haha. :D parang narealized ko lang ko lang kasi kanina na parang yung mga inis na nafifeel mu, either kahapon or nung isang araw, parang PAMINSAN, hindi mu na sya iconsider today. I mean, wag mu na syang iadd pa sa kung anung nafifeel mu ngayon. :) Yung parang, let the day begin na ang feeling mu is back to zero inis :)) or you;ll be happy na lang kasi NEW DAY eh. :) Parang, nakakaexcite kung anu mga mangyayari mamaya. :) Though paminsan, hindi mu din ieexpect na maganda kasi parang nakaset na yung araw na yun na toxic pero di ba, nakadepende pa rin sayo kung matotoxic ka ng sobra at maiinis, or kahit toxic, magiging happy ka pa din at magssmile? :)

haha. :D dami ko na namang FEELING ALAM sa buhay. :)) Oh well, random feelings. :) Sobra. :) As in, parang naisip ko lang sya kanina tas gusto ko na syang i-open up. :) Eh kasi, iba talaga yung feeling ko ngayon. :) Parang I'm happy pero no definite reasons? wala nga ba? parang ganito kasi, diba, medyo may inis ako sa ilang mga KINAPAL sa mundo, pero parang nung naglalakad ako papuntang main building, parang di ko sya naiisip hanggang sa parang ayoko na syang isipin at parang nawala na lang bigla. :) Tas parang yung feeling na laging inlove. haha. :D ganun. :) tas parang parating thankful.. for no reason? :) eh kasi, hindi ko talaga alam kung bakit. :) parang ganun lang kasi talaga yung feeling. :) HAPPY, INLOVE & THANKFUL. :)

* KINAPAL means nilalang. :)) Got that from our 4th year Filipino teacher, si Ma'am Carranza. :) I miss her. :( Ang mga everyday lessons nia other than academics. :)

Tas ayun, kanina, parang naisip ko na naman yung thought ko before. :) before kasi ang alam ko, naisip ko to nung 2nd year. :) Yung madami pang issues sa mundo kaya ewan ko kung san galing tong thought na to. :) Yung parang, pag nakaset na yung utak naten na ganun yung taong yun, paminsan, we're closing our doors na sa taong yun. Parang, pag halimbawa, may nangyari sa iniu na hindi mu nagustuhan, like when may nasabi syang hindi maganda tas parang maiinis ka. Tas PAMINSAN, pag nagtagpo ulit kayo, nakaset na yung utak mu na ganun sya kasi ginawa na nia sayo yun before eh. Yung parang ganun. Parang, hindi na naten sya binibigyan ng chance para iprove pa saten na hindi naman kasi sya ganun talaga or ganun nga sya, pero hindi yun enough reason para i-hate naten sya. Waw. Kung anu anu na naman pinagsasabi ko dito. Parang sobrang gumagana talaga utak ko ngayon. :) Ewan ko ba kung bakit. :)

Ayan, naalala ko na naman sya. :) haha. :D Yung taong once, eh hate ko talaga, as in literal at parang sa hindi maipaliwanag na dahilan kung bat ko sya na-hate pero, wala naman na. :) Siguro may onti pero parang paminsan, icoconsider ko din muna yung ibang mga bagay other than my childish feelings [waw! :)) may ganyan bang salita? :)) pauso ata ko. :))] ayun. :)

Basta ganun. :) Namimiss ko si kokong. Naeexcite ako magretreat. At, GUSTO KONG MATULOG. :)) AYOKO MAGDISPENSING. :))

Saturday, September 11, 2010

Better look on the other side.

091210. 2:03am


Waw! Haha. kala mu kung anu eh nu. haha. :D wala lang naman kasi. haha. :D naisip ko lang, paminsan, dahil sa sobrang gusto naten ang isang tao, nakakalimutan naten tignan yung iba pang sya. I mean, nagfofocus tayo masyado dun sa kung anong kina-eenjoyan naten sa kanya and other than that? wala na.

Feeling ko kasi, paminsan, kahit given na ganun sya, hindi lang yun yung titignan mu sa kanya. Kasi part lang naman yun ng pagiging whole nia eh. Bat hindi mu sya tignan sa iba pang perspectives? Tapos, you conclude kung ok pa rin ba sya? or hindi na? diba diba. Hindi yung nakatuon lang tayo lagi sa kung anu yung nakakatak sa isipan naten na ganun sya. Kasi mahirap na kung nakikita mu na yung other side nia pero ang ginagawa mu, tinatry mu pa din isipin na, hindi sya ganun pero ang totoo, ikaw mismo, nakikita mu na ganun sya. di mu lang matanggap na ganun sya kasi kinain ka na ng mga nauna mung good judgments sa kanya.

haha. :D wala lang naman. di ko lang kasi masyadong nagustuhan. haha :D

ang saya nung 4D kanina. :) natuwa lang ako na parang sa mga masasayang tao na yun, minsan eh nakasama ko sila. :) sobrang thankful na ko sa section na napuntahan ko. Compared sa iba. :)) Sobra sobrang thank You Lord. :)

Aw. May isa pa. Isama ko na din dito kasi sobrang bagay din naman. :)

Alam mu yun, paminsan, kung panu naten nakikita yung isang tao, ganun na sya. Parang hindi muna naten itry alamin yung reason behind kung bat sya ganun. Kaya mejo nagiging malala na sya eh pero di ba mas maganda at mas makabuluhan kung aalamin mu kung bat sya nagkakaganun and you'll stand by her/him no matter what kasi ikaw, naiintindihan mu sya. Unlike others, they only think of themselves. Na sila daw yung parang mas kawawa tignan which is hindi naman kung iisipin mu lang ng mabuti. Kasi, mas kelangan nia ng pang-unawa at atensyon at lalung lalu na ng mga kaibigan. Diba diba? Di nia na kelangan ng mas madami pang hater pero kung ganun man, dapat, since nakasama mu naman sya sa mga hindi sinasadyang pagkakataon, dapat diba hindi mu iconsider yung sarili mu na kabilang dun sa mga haters nia. Kasi ikaw, somehow, as in kahit hindi fully mu naiintindihan, at least, MAY ALAM KA. kahit papano, ALAM MO YUNG REASON BEHIND. eh yung iba, alam ba nila?

Ay grabe. basta ako, ngayon, I'll make a stand. Hindi na ko makikinig sa isang sentence lang and I'll try my very best para intindihin yung mga ganung sitwasyon. Oo, nakakainis kasi talaga ng sobra paminsan. Eh tao ka lang naman kasi eh. Don't expect na kayang kaya mu pagpasensyahan ang mga taong ganun. Pero kahit di mu man totally mapagpasensyahan sya, just RESPECT him/her nalang, somehow, iconsider mu din kung anung nafifeel nia diba. Wag laging feelings mu. Ang selfish naman kasi kung ganun. ayun.

Kainis kasi. bat kasi walang net. Dami ko pa naman gustong ipost. Oh well, eh wala eh. Haha. :D Alangan naman na ipilit ko pa. :) matutulog na lang ako ng sobrang himbing at ieenjoy ko ang Sunday. sana makapagchurch ako mamaya :/

Sunday, September 5, 2010

Ikaw na!


Ikaw na! Ikaw na!.. ang LOVE na LOVE ko! :D Ikaw na talaga! :)

Friday, September 3, 2010

Ibblog ko na. :))

Dahil hindi ako makatulog hangga't di ko nakkwento ang nangyari kanina. :) Oh well, una sa lahat, HAPPY BIRTHDAY sa baby namin na seven years old na! :D haha. :D happy birthday Kai! :) :*


Garabe!! Ang baet kong ate! birthday ng kapatid, wala man lang ako. :( tsktsk. Pero ayos lang yan. Babawi na lang ako :)) sa kiss. :))) I love you baby! :)

At ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta? nagphotoshoot kasi kam
i. Ayun. :)) At grabe, sobrang BITIN!! :(( At naniniwala akong kahit hindi ganun kaganda ang camera, may K pa din kayong magphotoshoot kasi FUN naman ang habol niu diba? :) Mas maganda talaga kung may mas magandang cam pero pag wala, di kelangan aksayahin ang mga pagkakataon sa buhay para magbonding! :) At waw! Power of 3 digicam eto! :)) Dahil ambabaet ng mga naunang cam! hindi nagpalobat! :( Pero dahil gusto, may paraan. :D ginawan ng paraan. :)

Grabe ang lamien kanina! Sobarang dame! hindi lumaki ang tyan ko ta
laga pagkaubos! :)) tapos eto pang si charisse, isa pa sa mga tumatawag saken ng weak! :)) Maliban kay kokong. :") hahaha. :D am bilis kase kumaen ng lamien! waw! :)) hindi gutom? :)) at basta. :)) mabagal lang ba talaga ko? :)) At si kanyang "hubby"! :))) Katawa :)))


BLUE IMAGES. Ayaw tapatan ang RED IMAGES! :)) Ayaw talaga
! :)) hahaha :D basta basta, kami na lang nakakaalam kung bakit. haha. :D diba digna, charisse? :))

At ang nakasabay namin ni charisse sa jeep. :D ang gal
ing! :D saktong saktong. :D diba charisse? :P

Eto pa lang ang maisheshare kong picture. :) at wala pa tong paalam. :)) Ohey lang naman ang itsura kaya hindi naman siguro sila magagalit. :P



At meron pa. Grabe! sobrang namimiss ko na si kokong ko. :(( Gusto ko na sya makita talaga. :(( talagang talaga :((

At isa pa. :)) Sabi ko pala kay jericha matutulog na ko. :P Waw! hahaha :D Sorry jericha! :) Naalala ko yung ibblog ko eh :) at hindi na ko mapalagay! :)) Kelangan na kelangan ko na talaga syang sabihin :))

Hmm. Eto pa pala. :)) [wala naman akong masyadong sasabihin nu? :))] hmm.. grabe. parang hindi na kami masyadong nagbobonding ng mga kapatid ko. :( nalulungkot ako. :( feeling ko di na kami close! :(( [emo. :)) seri. :))] pero feeling ko lang naman yun. :)) At waw! nung gusto kong magpicture picture kami one time, WALA SILANG SORE EYES LAHAT! :)) WALA TALAGA! :)) At dito sa bahay, kami na lang ng tatay ko ang ULTIMATE SURVIVOR na wala. :)) At sana talaga ay hindi magkaron. :) Pipilitin ko na hindi magkaron. :))

Eyon. :))) [gf! :)) line mu. :))] Grabe, ayan na naman, namimiss ko na naman ang C'origs. :(( At naalala ko na naman ang ilang mga taong hindi ganun kafair. :'( kung alam lang nila kung anung feeling ng nadissolve. :(( bat sya ganun? sana di ko na lang din sya binoto. :(( parang wala silang care sa kapwa nila 4th year. :(( hayy. :((

pero ohey lang yan C'origs! :) Gagawan naten ng paraan para magkabond lang tayo! :)) marami pang pagkakataon. :D ayaw man nila, gusto naman naten so kaya talaga naten to! :)) magbobond talaga tayo! :)) tara na! :)) ngayon na kasi. :))

OHEY. :)) okey. :)) hello ma'am c...... :))

ayun. parang tapos na? :) pag may pahabol, next blog na. :) good night! :D

Ang hangin kasi.

Ehhhh. Di ko expect na ganun pala sya. Aww. Di ko alam kung joke ba yun or what pero naoffend ako kasi parang isa ko sa mga gumagawa nun. Waw! Sige. Ikaw naaa!! :)) Ipagkalat mu at ipakita sa buong mundo na ikaw naaa!!!! >:)

Pag naiinis ako, nagiging vain ako. HAHAHAHA. :D konek? di ko din alam. :)) basta, gusto ko pasiyahin ang buhay ko pag naiinis ako :))

Basta basta. :D Masaya ko kaya hindi dapat sya ang isipin ko. :)) walang kwentang isipin yung mga ganung tao na walang kayabangan sa buhay! :)) err. sumasama talaga ko pag may mga ganyang tao. :( eto na naman ang isip ko. :)) kung anu anung naiisip itayp. :)) parang nung time lang ni basu eh. :)) pero ganun talaga. hindi mu kinakailngan maging mabait sa mga taong di deserving sa kabaitan mu :D tulad ng taong mayayabang >:) basta basta. :D

i miss you C'origs! SUGATURnament ulit! :))
i miss you honey! :*

Tuesday, August 31, 2010

'Cause I miss those times..

And so blessedly, nangyari na naman sya. :) Ang ating bonding moments :) Food trip :) And sobrang kulitan kung saan saang part ng school. :) Grabe, sobrang namiss ko yung ganung bonding naten kokong! :( Which is before, halos araw araw naten ginagawa kasi andito ka lang naman sa uste eh. anytime, pwede kita puntahan, pwede tayo magkita. pero now, malabo. twice na lang tayo nagkikita tas naiiksian pa ko sa oras. ewan ko ba? feeling ko, hindi pa talaga ako nakakamove on ng sobra. :( alam mu yun. :(( parang gusto ko, lagi pa din kita nakakausap at nakakakulitan. :(( GUSTO KO SANA AY LAGING GANUN. pero hindi talaga pwede so tanggapin na lang naten sya. Let's be thankful na lang in each day na nagkakasama tayo at nagkakabonding. :) mas okay na yung twice a week kesa wala diba? :) at ayun.. malapit na tayong gmraduate oh. malapit na tayo magkatrabaho tas.. ilang taon na lang.. magpapakasal na tayo! :)) [kasal agad eh nu? :))] HAHAHAHA. :D basta! HAHAHAHA. :D itry naten na ganun yun. :)) para araw araw na tayong magkasama at magkulitan at magtawan at magfoodtrip. :D

I love you so much honey! :) :*

Thursday, August 26, 2010

A great day it was.

Oh well, I never thought that I would consider this day as a great day ever. Ewan ko? Kasi parang pagkagising ko kaninang umaga, parang iba yung feeling. parang there's nothing special about this day so parang nakakatamad. parang napakaordinary. parang nawawala na naman ako.

* NAWAWALA. mejo literal? kasi paminsan, parang nakukulangan ako sa buhay ko. And parang alam ko naman kung anung kulang pero I just fail to do something para mafill yung kakulangan na yun. Like, more time to GOD. :( Nakakahiya ako oh. Kasi naman eh, hindi ko alam kung bakit antok na antok ako pag gabi at pagmag-uusap na kami ni GOD, nakakatulog ako. Parang hindi din kasi ganun kahalaga yung mga ikkwento ko sa kanya? I don't know? :( Tas isa pa. Feeling ko, sobrang kulang ako ng friends? HAHA. :D hindi naman yung mga superfriends pero pwede na siguro yung mga nakakasama ko every weekends. ganun. ayy. weekend lang pala. may saturday class na pala ako. ayun. parang, gusto ko pang makisocialize ng mejo mas madami pa compared sa lagi kong nakakasocialize everyday. I mean, siguro yung mga nakakasocialize ko sa araw araw, pwedeng itaas na namin yung level ng friendship namin through more kwentuhan, jokes at kulitan. Yung ganun. :( Parang ang saya lang pag an dami mung close na tao. :) Ang dami mung alam na buhay. :)

Tapos, narealized ko, hindi na dapat ako magreklamo sa kung anung meron saken ngayon. Parang, tanggapin ko na lang din yung mga taong kahit hindi katanggap-tanggap. Yung tipong, magpapakabait na talaga ko, at hindi na ko magsasalita against them. Eh ganun kasi talaga eh, you don't expect them to be perfect kasi wala namang ganun. May kanya-kanyang attitude lang kasi talaga tayo at kahit hindi talaga katanggap-tanggap paminsan na yung tipong hindi mu na mapigilan, try mu pa din pigilan at pagpasensyahan at gawin pa rin syang kaibigan. Diba diba? mas masaya kung at ease kayo sa isa't isa tas totoo din kayo sa isa't isa. :D [kala mu ang daming alam eh nu. HAHAHAHA :D]

yun na lang muna for now. basta, thanks to sir ban ang. :) nakakatuwa makinig sa mga kwento nia about sa buhay buhay except lang talaga pag pure academics na. HAHAHAHA :D

Nga pala, achievement ko ngayong araw na to? NAKAHAWAK AKO NG DAGA. SWISS MICE na naiitsa ko kanina dahil kinagat nia yung gloves tas nagulat ako kaya naihagis ko sya. HAHAHAHA :D

ayun. tulog na ko. inaantok na kasi talaga ako. :P

Saturday, August 21, 2010

The things I'll surely miss in the future.



082110. :)

Ang usapan is, magkikita kami for Fery's debut. Kaya kami pupunta kasi #1. Syempre.. 18 roses daw sya. #2. Para magbond. :) #3. Free dinner. HAHAHAHA :))




* Galit talaga sya nung nagkita kami. Pinaghintay ko kasi sya for an hour. :( Sorry naman. :( Matagal kasi talaga ako kumilos eh. :( Kaya yun. Nagalit sya. Pero syempre.. pinatawad nia naman din ako. Pero, kasama sa joke nia buong araw na yun na laging ipaalala ang paghihintay nia. :)) Salamat ah?! HAHAHAHA




* Nagpunta kami sa computer shop where he played dota at andun lang ako sa tabi nia habang nanonood. Hindi ako ganun kainteresado sa dota pero nagtatanung tanung na rin ako about dun dahil gusto nia ata ako matuto nun. Anyways, mga 1 hour habang nagdodota sya, nabagot ako at bumili ng sanrio at tinirintas ko ang sarili kong buhok! HAHAHAHA. :D at yan ang naging resulta. :)) Almost 2 hours syang nagdota nian at after nia maglaro, eto lang ang naiisip na paulit-ulit kong nakikita.. "EEW. SI RIKI, MH. KAYA TYEMPONG TYEMPO SA MGA KALABAN" HAHAHAHAHA :))




* After magdota, dumiretso kami kela kokong para kumain. Gusto kasi nia ata ng pancit canton? Eh parang gusto ko ng noodles nun. Kaya yun. :) Tas eto, out of dun sa nabili kong sanrio, eto ginawa nia sa sarili nia! HAHAHAHA. :D Kung anu
anu kasing naiisip gawin. HAHAHAHAHA. :)) Oh well, I'm very supportive naman kahit anung gusto niang gawin sa sarili nia lalu na sa ganyang bagay. HAHAHAHAHA :)) Love you kong! :*




* Yan! Kumakain kami ng pancit canton na extra hot! HAHA. :D of course, may something pa din sa ilong ni kokong. HAHAHAHA. :))




* MIO : Kokong! Picturan mu ko dali! :) Igaganito ko yung buhok ko. :)) - Oh well, so proud na nabraid ko yung buhok ko. HAHAHAHA. :)) Sorry naman :))




* Napagtripan ni kokong picturan kaya ganyan ang mga itsura. HAHAHAHA :))




* Si kokong nagdidictate kung anung dapat kong itsura. HAHAHAHA :)) Oh well, ganyan sya magtrip eh. HAHAHAHA :)) Love it though! :))




* I still love this shot kahit sabihin ni kokong na mukha daw akong buntis dahil sa dress na suot ko. HAHAHA. :))




* Photography of a plant! :) Again and again. haha. :D isa sa mga gusto kong picturan palagi. :)


* At pagkatapos kumain ng pancit canton? Eto naman! HAHAHAHA :)) habang kumakain niang dun somewhere, inabot kami ng ulan so mejo nabasa-basa kami nugn pabalik kela kokong para magbihis na. :)



* At habang andun kami sa kanila, eto ang nakita ko. :)) Picture ng baby ko. HAHAHAHA :)) :* Tas ayun, sinundo si Syd sa may gate tas diretso na sa Club House. :)



* Idol na banda. :) Di nga lang nakita yung ibang members. :) Basta idol talaga! Galing nila! :D



* And lastly, a picture with my labs. :)


Sana maulit pa ang mga ganun. :) Grabe, sobrang namiss ko yung mga foodtrip namin ni kokong saka mga picture taking at kung anu anu pa. :) Sobrang namiss ko sya! Sa uulitin talaga! Pipilitin kong maulit pa! HAHAHAHA :))

Thursday, August 19, 2010

Bakit kasi ang sarap magblog ng ganitong oras? :)

Aba syempre.. wala kase kong pasok bukas kaya ang saya ko diba? :D Hindi naman sa nang-iinggit sa mga may pasok pero.. WALA KASI TALAGA KONG PASOK BUKAS EH. :)) [ang epal ko. :))] Hay. gusto ko magblog pero wala naman akong maiblog? ay meron pala. :D

Yipee! :)) Long weekend kami! :)) tas.. 2 birthdays ang aking aattendan. :D or dapat attendan at hopefullly, parehas kong maattendan yun :) para masaya talaga ko. :)) HAHA

oh well, lilipat na ko ng more serious na blog. :) para organize naman. :) - yang ang natututunan ko sa management kapag natataon na nakikinig ako. :))

Wednesday, August 18, 2010

Nasa huli ang pagsisisi.

Waw. Haha. :D dami kong alam. :)) Eh kasi naman eh.. dapat pala nag-aral na ko ng dispensing lab. :( yan tuloy.. mukhang itlog ako sa quiz. :)) At wahaw si dexter! hindi nanghahagas! baet! tapos madali lang daw yung quiz. Osige.. ikaw na magaling! :)) Kaya daw sagutan in 5 mins? Waw.. ikaw na talaga! :))

Basta.. mag-aaral na talaga ko ng dispensing lab next time. :)

Saturday, August 14, 2010

Adjustment.

Ngayon ko lang narealized na hindi pa pala ako nakakapag-adjust sa sched ko na may saturday classes. :( kala ko.. okay lang. pag toxic pala ang monday at kakapasok mu lang kahapon.. parang nakakapagod pa rin. parang ang dami mu pang hindi nagagawa before mag-aral kaya hindi ka pa makapag-aral ng matino. :( parang ang dami ko pang gustong gawin, matulog, kumain pa ulit, magnet pa ng mas matagal.. pero hindi na pwede. kasi kelangan kong mag-aral. :( KELANGAN KONG MAG-ARAL. :(( Di bale, tomorrow is an exciting day kase magkikita kami ni kokong. at hindi lang kami magkikita, mapapanuod ko pa ulit sya magbasketball! :) Ang saya ko lang. HAHA :D Sana manalo sila :P

Friday, July 30, 2010

rainbow after a stormy rain.

oh well, you'll never know what will happen talaga. Like today, my 8 to 9am experience was a total disaster! :( Sobra! As in I never thought that I would meet those disappointments and terrible things today. But blessedly, it eventually fades. I just gave myself a little break to think about those things, if where I went wrong. But it will never be as successful as I wouldn't imagine it to be if I didn't have the chance to see my kokong :) He helped me fixed some things, and now, I got the unexplainable results. I feel better and it seems like, nothing happened an hour ago. :)

Sunday, May 2, 2010

Naeexcite akong bumoto. :)

Haha. :D First time ko kaseng boboto ng national election kaya siguro naeexciteako. :) Tas automated pa oh. :)) Nasasabik na talaga ko. Hahahaha. :D

Gibo or Gordon? :)

Nalilito na ko. :) Sino ba sa kanila? :D

Monday, April 26, 2010

Masakit kase sa kaliwang balikat.

Ngayon ko lang naalala kung bakit sumasakit ang kaliwang balikat ko.. NAGPAVACCINE PALA KO KANINA. :c

At sa lahat ng nagsasabi na masakit daw sya.. NGAYON KO LANG SYA SOBRANG NAFEEL! :c Ngayon yung kapag pinipisil habang nakaturok yung syringe.. lalung sumasakit. :c Kainis na kuya. :c Ang sakit nia magturok. :c

Tuesday, April 20, 2010

Manuf internship is over.

At hindi ako makapaniwala. :)) Dahil sa totoo lang.. gusto ko pa mag-intern. :c Dahil masaya ko kahit lagi akong nagpapack ng biofitea at nagfofold ng box. :)) Mamimiss ko sila kuyang MABABAET.ü At lalu na ang mga kaintern ko na sobrang tinuring akong friend.ü ♥ Naappreciate ko yun.ü Di ko nga lang alam kung panu ipakita at sabihin.ü Hihiya ako. :)) Pero.. Salamat talaga ng madame!ü

* Sa mga laging nagpapatawa at kakulitan.ü
* Sa nakaLOVE TRIANGLE ko daw. :))
* Sa mga kumakausap saken. Lalu na sa mga nagssmile.ü
* Sa mga nagsasama saken sa group nila.ü
* Sa mga nagsasabay saken umuwe.. kumain at tumamabay sa CR at kasabay din sa gowning area. :))

SALAMAT NG MADAMI!ü ♥

Thank You Lord at nakilala ko ang mga taong ito.ü ♥

Monday, April 12, 2010

You've made me so happy.ü ♥

9:11pm

Sa lahat ng stress na nafifeel ko sa aking manuf intern.. Sa sobrang pagkamiss ko sayo dahil sa maraming araw na hindi pagkikita.. THANK YOU SO MUCH HONEY FOR MAKING THIS DAY ONE OF THE BEST DAYS I'D EVER HAD EVER! :)) ü♥ Sobra!ü Kung alam mu lang kung ganu mu ko napasaya ngayon ng sobra dahil nakasama kita.ü Kung panu mu ko pinakain ng madami.ü :D Basta gusto ko kainin.. binigay mu!ü♥ Tapos.. yung sa timezone.. okay lang maubusan ng pera basta masaya. :)) Yung masasayang kwentuhan at sobrang tawanan at kulitan!ü♥ Ang bracelet na winiwish ko sayo dati.ü♥ LAHAT LAHAT BINIGAY MU.ü♥ I LOVE YOU SO MUCH!ü♥ Wala na kong mahihiling pa.ü ISA KA SA MGA BEST GIFTS NA BINIGAY NI GOD SAKEN!ü ♥ I LOVE YOU SO MUCH and I'LL LOVE YOU FOREVER!ü♥ Happy 30th month!ü Muah!ü


LOVE GOD!ü♥

Saturday, April 10, 2010

Mababaw talaga luha ko.

Laging ganun.ü Haha. :D Sobrang nafifeel ko yung mga palabas kaya minsan.. ayoko manuod ng drama. :)) Sobra kong affected. :)) Sorry na.ü

I just watched a love story and the leading man had an Alzheimer's disease. Grabe! :c Sobrang nakakaiyak yung mga ganung storya. :c Di ko kaya. :)) Syempre.. naiimagine ko sarili ko if ever na ganun diba. Kung anu yung mafifeel mu. :)) Ganun. Kaya sobra kong naaapektuhan. :))

Basta ganun.ü Basta ko.. mahal na mahal ko ang kokong ko!ü Ever!ü At sana.. kami na nga magkatuluyan forever!ü :D

Thank You, Lord at dumating sya!ü

Sunday, April 4, 2010

Purple Kalatsutsi.

I had this shot at Aurora.ü On our first day of swimming and traveling. :) I don't wanna miss this shot kase di pa ko nakakakita nito dito sa Manila at dun lang talaga ko nakakakita nun kaya ayan!ü Piktyuran kung piktyuran!ü ♥

Saturday, April 3, 2010

The Aurora Trip.

Sunday. April 4, 2010. 1:57am.

A must go place talaga! Sobrang ganda nia as in!ü Sobrang peaceful.. pang relax talaga tong place na to. And sobrang thanks kay God kase at least.. naulit na naman ang ganitong event.ü ♥

* * *
A BLESSING IF YOU WOULD ONLY REALIZE.

Kase.. often times.. we take people for granted. Minsan.. pag nakilala natin silang ganyan sila.. ganyan na sila. Kadalasan.. di na natin nakikita yung importance nila.. or PWEDENG MAGING IMPORTANCE nila in the future.

Panu ba naman kase natin malalaman?

Haha. :D Ang sagot kase dun is.. Hindi naman natin kelangan alamin. Just the fact na hindi natin sila hinuhusgahan or what would be a perfect attitude of us. Diba diba?ü Karamihan kase sa mga tao ngayon and sa totoo lang pati ako aminado ko na paminsan.. nagiging ganun nga ako.. na nakikita naten ang isang pangyayare sa isang side lang. :) Na dapat hinde.ü Dapat.. or kung maari.. sa lahat ng sides. At ang PINAKA-IMPORTANTENG SIDE? POSITIVE SIDE nung tao. :) Sobrang mahirap tong gawin. :c Ako rin eh.. nahihirapan. Pero ganun talaga eh. Kapag kelangang pakisamahana ang isang tao for whatever reason para kahit papano.. HAPPY.. diba diba?ü

* * *
GOD HAS HIS OWN WAYS OF REMINDING HIS CHILDREN.

Sobra!ü Akalain ko ba naman kase na yayain ako ni mama sa Aurora.. nung mismong araw na rin yun aalis. Parang joke time diba? For I was thinking na my Holy Week will also be a Resting Week. Sobrang napagod kase ko sa Manuf kahit wala naman akong sobrang ginagawa. Iba yung feeling eh. Ewan ko. Parang nakakapagod pagkauwe. Ganun.

And going back to the story.. pagyaya ni mama.. go naman ako. Minsan lang mapadpad dun diba so kalimutan muna ang resting week event. Magtrip muna for ilang days.

And when we got there.. OMG! Sa sobrang tuwa ko.. I would admit na somehow.. nakalimutan ko si God. :c Which I feel sad about. Kase.. dapat.. ito ay isa sam ga linggo na sobrang maalala mu kung panu ka Nia SinAVE sa mga kasalanan mu tas ganun diba. Nalungkot ako. Parang di ko alam kung panu na ko babawi nian.
We arrived in Manila ng mga hapon so I still have many hours to spent in resting. Yun. Hanggang sa nanuod ako ng TV at dun.. after nung show.. naramdaman kong napagsisihan ko na ang paglimot kay Lord.ü Ang sarap at ang gaan na ulit ng feeling. Kase pag may something sa iniu ni Lord.. diba parang ang hirap mag-isip at kung anu pa man. Parang ang hirap gumalaw at sobrang hindi ka peaceful. Parang pag may tao kang mahal na may something sa iniu.. ang sagwa ng feeling. Ganun. Ganun yung feeling ng may something with God.
At ayun.. sobrang natuwa lang ako dun sa palabas. Parang naalala ko yung mga dapat kong gawin sa buhay na madalas kong nalilimutan pero si Lord na sobrang mapagpasensya.. pinapaalala ng pinapaalala.ü I love it!ü Thank You, Lord! Mwa!ü ♥

* * *

Sleepy na ko kaya next time na lang ulit. Basta masasabi ko lang.. Ang galing ni God!ü Saka.. ANG SARAP SA AURORA!ü Babalik ako dun for sure! Babalik talaga ko!ü ♥

* * *

I super missed him na! :c Hope to see him soon! Sooner than soon! :)) Pauso. Love you honey! Mwa!ü ♥

Monday, March 29, 2010

He scares us.

A lot. Bye.

Kalatsutsi.



Excited.

Today is my first manuf internship. :) At sobrang naeexcite ako na di ko malaman. Mixed emotions? :)) Daming alam. :)) Oh well.. Di ko alam ang mga dadalhin kaya bahala na mamaya. :)) Andun naman si Jecca & Kim.♥

Keep looking for ways to improve your relationship with God. Don’t forget what may be the most basic way to worship and honor Him: Tell Him “Thanks.” — Dave Branon

Thank you, God!ü Mwa!ü :D

Sunday, March 28, 2010

The first blog is a bulky blog.

Haha. :D Ang dami kaseng nangyayari sa mundo. Ang dami kong gustong sabihin at sa sobrang dami.. Di ko alam ang uunahin. :))
Anyways.. nagmove na ko ng kaBLOGan dito dahil.. wala lang! :)) Gusto ko lang magkaccount dito para kunware madami akong account. :)) Basta.. natutuwa lang ako dito. :)) Yun lang.ü Start na ng kwentuhan.ü

MY CRUSHEE!ü


Haha. :D Schoolmate pala ni Kai tong bata na to na nakita ko nung may inattendan din akong birthday.ü Sobrang kyut nia!ü Tapos ang galing pa sumayaw!ü Sobrang hanep tong batang to. Haha. :D Sayang. Di ko na sya mahihintay pang lumaki. :c Haha. :D As if naman diba. :)) Sori na. :D At sa mabuting palad.. Sobrang fortunate ko.. nakapagpapicture ako sa kanya!ü Yipee!ü :))


Haha. :D Sana magkita pa ulit tayo someday. ♥

Next.ü 3CPH bonding!ü Oh my gas!ü Ang saya ng event na to dahil sobrang daming piktyuran and ang sarap ng pagkain. Sobra!ü Ang sarap magkamay!ü Diba Nadine nu?ü :)) Ang sarap nung bagoong!ü Sobrang sarap!ü :D Sana.. may part 2 pa!ü


My gas!ü Third Year Second Sem is over. :) So happy to feel NO STRESS again!ü Tulog all day on weekends na ko!ü At maaga pa ko makakatulog on weekdays dahil intern na lang. :) Wala ng maraming quiz. Wala ng exam. Wala nang dapat aralin!ü Ang saya!ü Natapos na syang lahat!ü Love it much!ü Much much much!ü ♥


And lastly, TODAY. March 27, 2010. A long long day.

Una. Went to school para kitain si kokong. Bonding day namin ngayon after a long long time na hindi pagdedate. Sobrang nakalagay na to calendar kaya dapat lang na matuloy!ü Saka we missed each other so much na! Nagkikita lang kase kami madalas sa school para sabay kumain.. sabay mag-aral. Lagi kaming occupied. Daming iniisip. Nag-aaral. Ganun kami pag sa school. Kaya dapat nagseset ng date para magBONDING naman kame. At ang araw na yun ay ngayon.ü
Pagdating ko ng school.. Kelangan na daw ni kokong umuwi kase may kokopyahin syang files sa usb tas ibabalik nia rin ng school. Eh hanggang 11:30 lang daw mga prof so talagang kelangan bilisan. Sinamahan ko sya.ü

Ikalawa. On our way papunta sa kanila.. Salamat sa text ni Maris na kelangan kong pumunta ng school dahil may removal exam daw kami sa pcol. OMG! Nung time na daw yun! As in! So sobrang nagmadali kami ni kokong at kahit sobrang kinakabahan ako sa exam at sa mangyayari.. masaya pa din ako kase kasama ko si kokong sa tabi ko during my paranoia episodes.ü ♥

Ikatlo. Pag dating ng school.. Onting aral lang.. dahil wala rin kaming maaaral.. Ang dami kong naririnig na may bagsak daw na ganito gnayan so kinabahan ako lalu. Tapos ayun.. dumating si mam. Nag-exam kami at.. masasabi ko na lang.. SOBRANG THANKS TO YOU MARIS!ü :D Alam mu na yun.ü Ang saya ko dahil dun. Na mejo.. Basta. :D Isipin niu na lang na ganun.ü

Ikaapat. Tuloy na ang bonding. Kela kokong kami. Sa lugar nila. Nag-gitara. Natulog. Nagpicture ng mga halaman. Hinanap si Pat. Nagpapicture kay ate. I forgot the name. Sorry.

Tas kumain ng goto.ü

Ikalima. BIG MIKE. Sobrang ganda nung movie!ü Ever!ü Nakakaiyak pa. :)) Basta.. Sobrang nasiyahan ako sa panunuod. :) Haha. :D Parang kapag nakakapanuod kase ko ng mga ganyan.. tinatry ko syang iapply sa buhay ko.ü And so.. with that movie.. ang nangyari naman is.. parang.. mejo nag-iba yung way of thinking ko.. mejo dumami yung mga gusto kong mangyari sa buhay ko.. yung mga ganun. Ewan ko ba.ü Natutuwa ako sa mga movies na ganun kase parang blessing sila. Sobrang may gusto silang iparating na sana.. naipaparting nga nila sa mga taong nakakapanuod nun.ü ♥

Oh diba.. bongga?ü First blog ko dito.. Ang haba at may pictures pa!ü :)) Next time ulit!ü Nasisiyahan ako pag nailalabas ko ang mga gustokong sabihin sa buhay. :D